^

PSN Opinyon

Imahinasyon sa pagbuo ng sari-sariling laruan

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Kanya-kanya kaming mga magkababata nu’ng dekada-1960s gumagawa ng sariling laruan. Naaalala ko ang gitara: binutas sa gilid na kahon ng toothpaste at kinabitan­ ng dalawang rubber band. Madali ang “bubble machine”: dinikdik na bulaklak ng gumamela para kumatas, hinaluan­ ng konting tubig, sinawsaw ang binilog na manipis na tangkay ng dahon, tapos marahang hinipan para lumobo. Pati bulaklak ng kalachuchi ay alahas: tinusok ang petals sa sari­ling tangkay, binuklat ito sa dalawa at inipit sa tenga parang hikaw.

Mahirap ang lutu-lutuan: inipit sa dalawang pinagtaling popsicle sticks ang munting babasaging mangkok, pinatong sa apoy sa gitna ng tatlong bato, naglaga ng itlog ng butiki. Natuto kaming mangisda: pinitpit ang talim ng aspili para sima, tinalian ng sinulid sa ulo, pinainan ng pirasong tinapay na binilot para humuli ng gourami sa kanal. Na­tutong mangaso: pumutol ng nagsangang bayabas, kinabitan ng ginupit na interyor ng gulong, tirador na.

Natutong mamangka: pinagdikit-dikit na 20 popsicle sticks, nakausli ang dalawa sa dulo para kabitan ng rubber­ band, tapos inikot doon ang kalahating patpat para umandar nang sarili sa batya ng tubig. Nag-ala-Amazon Indians: ibinala ang karayom na binalot ng papel ang kalahati sa tang­kay ng dahong-papaya, at sinumpit ang mga langgam. Nag-ala fighter pilot: pataasan, patulinan ng guryon sa dog­fight.

Kumplikado ang sailboat: isang metrong trayanggulong tabla, kinabitan ng gulong bawat kanto, tinayuan ng poste (sabitan ng kulambo) at sinampayan ng kumot, para uman­dar sa ihip ng hangin.

Naglalabanan kami nang cowboys at Indians sa bubong ng garahe. Para hindi ako mabihag, binubuksan ko ang payong na kunwari’y baril at nagpa-parachute sa lupa. Ma­rami akong nasirang payong.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

BUBBLE MACHINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with