^

PSN Opinyon

Convenient alibi

AKSYON NGAYON - AL G. Pedoroche - Pilipino Star Ngayon

Takot daw ma-libel si Rep. Teves kaya ayaw ibunyag ang ngalan ng dalawang opisyal na ibig magpapatay sa kanya? Ha!

Murder na nga ang ikinakaso sa iyo Cong. at takot ka sa libel na baka umabsuwelto sa iyo?!

Opinion ko lang ito at puwedeng nagkakamali ako. Madalas gawing excuse ng mga pulitikong nasa ibang bansa na may mabigat na kaso sa Pilipinas ang “banta sa kanilang buhay” para tumangging magbalik.

Ito umano ang dahilan kung bakit tumatangging bumalik si Rep. Arnolfo Teves para harapin ang umano’y kaso ng paglikida kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Alam ito kahit ng mga inaakusahan. Ngunit kung naniniwala silang malinis ang kanilang budhi, lalo pa’t sila’y prominenteng nanunungkulan sa pamahalaan, buong tapang silang babalik upang linisin ang dungis sa kanilang ngalan.

Iyan ay sukdulang itaya ko ang aking buhay, dahil mas mahalaga ang dangal kaysa sariling buhay. Kung nangyari man na ikaw ay ipatumba tulad ng pangamba ni Teves, malalantad na talagang politically motivated ang ikinakaso sa iyo at mabubunyag ang mga may kagagawan.

Tukuyin mo na Cong. kung sino ang mga taong gusto kang tigukin  kung talagang seryoso ka at hindi nagsisinungaling. Idetalye mo ang senaryo kung ano ang motibo para maging kapani-paniwala ang iyong pahayag.

TEVES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with