^

PSN Opinyon

Katiwaliano kapabayaan?

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

PANAHON na para linisin ang Land Transportation Office (LTO) na saksakan ng korupsyon at katiwalian.

Ilang administrasyon na ang dumaan, hindi pa rin ito ma­sawata. Patuloy na namamayagpag dahil ang mga tiwaling­ matataba ang utak sa loob patuloy rin na guma­gawa ng raket.

Ang kanilang mga kasapakat nabibigyan ng lisensiya kaya tuloy lang ang negosyo. Tuloy rin ang kanilang pambubukol sa gobyerno.

Ito ‘yung mga preferred clinics na nakapaligid sa LTO. Karamihan sa kanila mga hao shao o fly-by-night. Kaya sa halip na napupunta sa kaban ng bayan ang bilyones na kita, doon napupunta sa mga walang katorya-toryang favored service provider nila.

Mayroon na kaming na-BITAG na ganito noon sa LTO Tarlac, babae pa man din ang hepeng inireklamo. Mayroon siyang mga inaalagaang klinika.

Ang siste, inoobliga niyang magbigay sa kanya ang bawat klinika dahil kung hindi, hindi sila bibigyan ng accre­ditation. Ipinakita namin ang surveillance video ng kan­yang pangongolekta sa main office kaya agad siyang sini­bak sa puwesto.

Si Senator ‘Tol Raffy Tulfo nakakatanggap din ng mga ganitong uring sumbong. Kaya kamakailan, bumisita siya sa LTO Main. Gusto niyang kumpirmahin ang bilyones na nawala at patuloy na nawawala sa kaban ng bayan kada taon mula sa LTO collections dahil sa korapsyon at bulok na sistema.

Partikular na tinukoy ng senador ang kinokolektang P500 kada tao para sa vision test ng mga bagong apli­kante at nagre-renew ng driver’s license. Panahon na raw para tugisin ang mga nagkasala at ituwid ang mga maling patakaran at ilagay sa ayos ang pamamalakad sa ahensya.

Ito ang dapat tingnan ng mga namumuno sa Department of Transportation (DOTr). Baka kasi hindi nila alam ang nangyayari sa kanilang departamento.

Kaya kaming mga Tulfo Brother kumakatok sa tanggapan ng DOTr. Layunin namin na tumulong para tuwirin ang mga mali.

Kasi kung walang magrereklamo, hindi mabubunyag ang problema. Walang mabibisto, walang masasampahan ng kaso hindi mabubunyag ang mga bahong itinatago at hindi mababago ang bulok na sistema.

BEN TULFO

LTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with