^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Nakabibingi ang katahimikan

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Nakabibingi ang katahimikan

Bagsak na naman ang Philippine National Police (PNP) sa isyu ng P6.7 bilyong shabu na nasabat noong Okt. 8, 2022 kay MSgt. Rodolfo Mayo, intel officer ng Philipine Drug Enforcement Group (PDEG). Si Mayo ay kasama sa listahan ng “ninja cops” na pinatapon sa Mindanao pero himalang nakabalik sa PDEG-NCR. Una nang pinangalanan ni DILG Sec. Benhur Abalos ang 10 matataas na opisyal ng PDEG dahil sa cover-up sa 990 kilo ng shabu. Hiniling ni Abalos na mag-leave ang 10 opisyal.

Pero lalo pang lumawak ang kaso sapagkat dumami pa ang mga miyembro ng PNP na sangkot sa nakumpiskang 990 kilo ng shabu. Pinakakasuhan ang 48 na opisyal at tauhan ng PDEG. Ayon sa memorandum na nilagdaan ni PNP Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) Director Police Major General Eliseo Cruz, ang mga sangkot na pulis ay pawang miyembro ng PDEG na pinamumunuan ni dating PDEG chief Brigadier General Narciso Domingo. Itinanggi naman ni Domingo ang sinasabing sangkot siya sa cover-up. Ipinag-utos na sa 48 opisyal at mga tauhan na isuko ang kanilang mga armas.

Habang nayayanig ang PNP sa mga kontrobersiya sa illegal na droga, nakabibingi naman ang katahimikan ni PNP chief Rodolfo Azurin Jr. Walang naririnig sa kanya gayung siya ang dapat nakaa­alam at dapat magpaliwanag sa mabigat na isyung ito na dumudungis sa organisasyon na kanyang pina­mumunuan. Nakatakdang magretiro si Azurin nga­yong buwan na ito. Dapat bago siya magretiro, mag­salita siya sa pinakamalaking drug haul na ang sangkot ay mga pulis.

Nakakulapol sa PNP ang dungis na hatid ng ilegal na droga. At ang nakapagngingitngit dito, ang mga miyembro ng drug enforcement group ang sangkot. Ayon sa report, hindi isinusumite ng mga pulis ang nasasamsam na droga at muling ibinibenta. Nire-recycle. Malaking palaisipan kung saan nanggaling ang 990 kilos ng shabu na nasamsam kay Mayo. Bahagi kaya ito ng mga nasasamsam ng PDEG na hindi isinisumite? Nakakatakot kung totoo ito. Wala nang solusyon ang problema ng droga sapagkat ang mga inatasang huhuli ay sangkot sa recycling.

Dapat magsalita ang pinuno ng PNP ukol dito.

vuukle comment

PDEG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with