^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Paglilinis sa Bilibid Prison hindi sana ‘ningas kugon’

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Paglilinis sa Bilibid Prison hindi sana âningas kugonâ

“MARUMI” ang New Bilibid Prison (NBP). Marumi­as in maraming nangyayaring korapsiyon na kinasasangkutan ng mga matataas na opisyal, em­pleyado at mga guwardiya mismo. Ang karumihan ng NBP ay hindi na lingid sa kaalaman ng mamamayan sapagkat noon pa man, laman ng balita ang mga nangyayari sa NBP.

Kapag may pera ang nakakulong sa NBP, maayos ang kanyang kalagayan sa loob na parang nasa laya rin siya. Mistulang nasa hotel na kumpleto sa gamit —may kama, sariling CR at mayroon pang bar na may iba’t ibang klase ng alak. Ang iba, puwedeng mag-request ng babae. Mayroon pang nakakalabas para bisitahin ang negosyo niya sa Makati.

Ang pinakamatindi, dahil kakutsaba ang corrupt na mga guwardiya, naipapasok ang droga, cell phone, alak, pera, money counting machine, patalim at ma­rami pang iba.

Habang maraming maykayang bilanggo ang nag­bubuhay-hari, marami namang bilanggong mahihirap ang nagtitiis sa siksikang selda na halinhinan kung matulog. Salat din sila sa pagkain sapagkat ang food allowance nila ay kinukupit ng mga corrupt na opisyal ng Bureau of Correction (BuCor). Marami rin sa kanila ang nagdaranas ng pananakit mula sa mga abusadong opisyal ng BuCor.

Ngayon, ipinangako ng bagong BuCor Director na si General Gregorio Catapang Jr. na puspusang pag­lilinis ang isasagawa niya sa tanggapang pinamumunuan. Itinalagang director si Catapang noong nakaraang linggo ni President Ferdinand Marcos Jr. kapalit nang sinibak na si Gerald Bantag na ini­uugnay sa pagpatay sa broadcast journalist na si Percy Lapid noong nakaraang taon.

Unang pinatupad ni Catapang sa paglilinis sa NBP ay ang pagsibak sa puwesto ng 700 prison guards na nakatalaga sa maximum security compound. Sasa­ilalim sa training ang mga sinibak. Ayon kay Catapang, ang mga sinibak na guards ay pumipirma lamang sa attendance at hindi nagdu-duty. Nadiskubre rin sa mga locker ng guards ang malalaking halaga ng pera at ibang kontrabando. Natuklasan din ni Catapang na binabaliktad ng guards ang mga CCTV sa paligid ng compound. Itinalaga ni Catapang si CSInsp Purificacion P. Hari kapalit ni C/CInsp Lucio C. Guevarra.

Nagsimula na ang paglilinis sa maruming Bilibid. Marami na ring naging BuCor director ang nangako ng pagbabago sa NBP pero iba ang estilo ni Cata­pang. Harinawa na magtagumpay ang kanyang mga planong pagbabago sa Bilibid. Hindi sana ito matulad ng iba na nauwi sa ningas kugon.

NEW BILIBID PRISON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with