^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Presyo ng bigas tataas!

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Presyo ng bigas tataas!

Hindi maganda ang inihayag ng Department of Agriculture (DA) na maaaring tumaas ang presyo ng bigas sa mga susunod na linggo. Ayon sa DA, posibleng tumaas ng P5 kada kilo ng bigas. Ang dahilan sa pagtaas ng presyo ng bigas ay dahil sa mababang buffer stock, mataas na presyo ng palay sa farmgate bunsod ng dry season at ang pagtaas ng presyo ng imported na bigas. Dahilan din sa pagtaas ng presyo ng bigas sagupaan ng Ukraine at Russia.

Ayon sa DA ang retail price ng special rice ay P48 hanggang P60 kada kilo at P42-P49 naman ang premium rice. Ang well milled rice ay P39-P46 kada kilo at P34-P40 kada kilo ang regular milled rice.

Kapag nadagdagan ng P5 ang presyo ng bigas, batay sa pahayag ng DA, marami ang aaray. Tiyak na panibago na namang paghihigpit ng sinturon. Kasabay sa napipintong pagtataas ng bigas ay ang pagtaas din naman ng presyo ng ibang pangunahing bilihin gaya ng asukal, karne, isda, delata, noodles at iba pa. Halos lahat ay nagtaasan na. Hindi na sumasapat ang suweldo ng mamamayan.

Ang napipintong pagtataas ng presyo ng bigas ay taliwas naman sa pinahayag ni President Ferdinand Marcos na magiging P20 bawat kilo ng bigas. Sinabi ng presidente noong Marso na makakabili ng murang bigas ang mamamayan sa mga Kadiwa Stores sa Metro Manila. “Abot kamay” na umano ang P20 per kilo ng bigas. Ang mababang presyo ng bigas ay sa campaign promise ng presidente.

Nakapagtataka naman na kung kailan panahon ng anihan, saka magtataas ang presyo ng bigas. Sa maraming bahagi ng bansa ay nag-aani ng palay ang mga magsasaka. Ibig sabihin, maraming suplay at hindi kailangang magtaas ng presyo. Sobra-sobra dahil anihan. Dapat pa ngang bumaba ang presyo. Ang ganitong senaryo ay nagdudulot ng samu’t saring isipin. Kapag ipinahayag na magtataas ang presyo, saka rin naman dumadagsa ang smuggled na bigas. Nagkataon lang kaya iyon?

Malawak ang lupain ng Pilipinas para taniman ng palay. Sagana sa tubig at sikat ng araw. Pero umaangkat ng bigas. Pawang imported na bigas ang kinakain. Kailan kaya ihahain sa hapag ang ani sa sariling lupain?

DA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with