^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Presyo ng mga bilihin hindi na makaya ng bulsa

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Presyo ng mga bilihin hindi na makaya ng bulsa

Marami na ang umaaray sa mataas na presyo ng mga bilihin. Nagtaas ang presyo ng isda, karne, bigas at asukal. Ang presyo ng sibuyas nagmahal din pati na ang iba pang agricultural products. Sa Martes ay magtataas ang presyo ng gasoline at diesel. Ang mga ni-rollback ng mga nakaraang linggo ay babawiin. Kapag nagtuluy-tuloy ang oil hike, hihingi na naman ng dagdag pasahe ang mga operators ng pampasaherong jeepney. May nagsusulong na dagdagan ang minimum wage sa Metro Manila para makahabol sa mataas na presyo ng mga bilihin. Wala pang reaksiyon ang pamahalaan ukol dito. Posibleng ihayaga ito sa May 1 na Araw ng Paggawa.

Sabi ni President Ferdinand Marcos Jr. ang mataas na presyo ng mga bilihin ang pinakamala­king problema ngayon ng bansa. Talaga raw mataas kaya balak ng gobyerno na dagdagan ang mga Kadiwa stores para makabili ng murang pagkain ang mamamayan. Ayon sa president pawang agricultural products ang mabibili sa Kadiwa na mababa ang presyo. Ayon kay Marcos, kailangang palawakin pa ang mga Kadiwa, dahil ito ang pinupuntahan ng mga tao. Nasa Kadiwa umano ang bigas, sibuyas at asukal na mura at iba pang produktong agrikultura.

Sinabi rin ni Marcos, na pauunlarin ang sariling produce ng bansa at hindi dapat umasa sa imported na produkto. Mayaman ang bansa pero napapaba­yaan ang agrikultura kaya mababa ang ani ng mga magsasaka at resulta ay mataas na ­presyo ng bilihin.

Ang plano naman ng Sugar Regulatory Ad­ministration (SRA) na ibenta sa mga Kadiwa stalls ang mga nakumpiskang smuggled na asukal ngayong buwan na ito ay magandang hakbang. Nararapat lamang na ibenta ito ng mura para hindi mahirapan ang mamamayan. Sa dami ng mga nakumpiskang asukal, tiyak na marami ang ibebenta sa Kadiwa stores sa buong bansa.

Ayon sa SRA, mayroon na silang approval upang ibenta ang mga nakumpiskang asukal sa Kadiwa at tinatapos na lamang nila ang mga dokumento upang maibenta.

Sikapin naman na mas mababa ang presyo ng asukal dahil smuggled naman ito. Ayon sa report, P85 per kilo umano ibebenta sa Kadiwa. Sana mas mababa pa para hindi mahirapan ang mamamayan. Mas mababa rin naman sana sa presyo ng bigas.

Pagaanin ang pasanin ng mamamayan sa pamamagitan ng mga murang bilihin sa Kadiwa. Malaking tulong ang mga ito.

SRA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with