Mas seryoso ang bacterial infection kumpara sa viral infection. Ang karaniwang dahilan ng bacteria sa lalamunan ay tinatawag na “strep throat”.
Streptococcal bacteria ang dahilan ng strep throat at sobrang nakahahawa ito. Kumakalat ito sa hangin sa pag-ubo o pag-bahing o kaya sa pagsalo sa pagkain at inumin.
Maaari rin itong makuha sa pintuan, cell phone, mesa at gamit sa bahay, at mailipat sa ilong at bibig.
Kadalasan na nabubuo ang strep throat sa loob ng dalawa hanggang pitong araw pagkatapos mahawa ang isang tao.
Ang mga batang edad lima hanggang 15 ay madalas mahawa sa kaklase.
Narito ang mga karaniwang sintomas ng strep throat:
1. Pamamaga ng tonsils at kulani (lymph nodes).
2. Masakit kapag lumulunok.
3. Mapula at may nana sa lalamunan.
4. Mataas na lagnat.
Ang strep throat kung hindi magagamot ay maaaring humantong sa komplikasyon gaya ng pamamaga ng kidney at rheumatic fever.
Kinakailangan itong magamot ng tamang dosis ng antibiotics. Kumunsulta sa inyong doktor.