^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kinakawawa ang mga nakulapulan ng oil spill

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Kinakawawa ang mga nakulapulan ng oil spill

Noong Martes (Marso 28) ay eksaktong isang buwan mula nang lumubog sa karagatang sakop ng Naujan, Oriental Mindoro ang MT Empress Princess. Galing Bataan ang tanker na may kargang 800,000 liters ng langis para ideliber sa Iloilo. Pagsapit sa Naujan, nagkaroon ng aberya ang tanker at lumubog. Ang bayan ng Pola ang grabeng tinamaan ng oil spill. Napinsala ang kabuhayan ng mga taga-Pola parti­kular ang mga mangingisda. Hindi sila pina­payagang makapalaot sapagkat masama sa kalusugan ang oil spill. Hanggang sa kasalukuyan marami sa mga taga-Pola ang umaasa na lamang sa ayuda. Problemado ang mga may pinag-aaral na anak. Ayon sa report, aabutin pa umano ng anim na buwan bago tuluyang malinis o mawala ang oil spill. Sa kasalukuyan patuloy pang tumatagas ang langis mula sa tanker.

Noong Lunes, na-report na bibigyan daw ng compensation ang mga naapektuhan ng oil spill. Ayon sa insurance company, kabilang sa mga puwedeng magsampa ng claim ay ang mga apektadong indi­biduwal, korporasyon at lokal na pamahalaan.

Inanunsiyo na maaaring kumuha ng claim forms at alamin ang iba pang requirement sa Calapan City Capitol. Ipinaalala naman ni Or. Mindoro Governor Humerlito Dolor na hindi pa mamumudmod ng bayad kundi magsusulat lamang sa form ang magki-claim. Kapag naisumite na ang form ay maghihintay daw ng 30 araw para iproseso ito.

Pero nadismaya ang mga biktima ng oil spill nang sabihin ng abogado ng insurance company na para makakakuha ng danyos ay kailangang pumirma sa isang waiver. Nakasaad sa waiver na kapag naka­tanggap na ng kabayaran ay hindi na sila magsa­sampa ng civil case. Kung magsasampa raw ng kaso ang claimants ay wala na silang makukuhang kaba­yaran. Kung magkano ang matatanggap na danyos ng claimants, nakadepende raw ito sa gagawing assessment.

Marami sa mga naapektuhan ng oil spill sa Pola ang umalma. Kinakawawa raw sila. Sila na nga raw ang naapektuhan ay sila pa ngayon ang naaagrab­yado. Nananahimik daw sila sa kanilang bayan nang biglang perwisyuhin ng oil spill. Nasaan daw ang kon­sensiya?

Nararapat tulungan ang mga apektado ng oil spill. Kawawa na sila ay kinakawawa pa. Wala na silang ikinabubuhay. Nakaamba na ang kagutuman.

POLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with