^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Maraming bahay ang gagawin ng gobyerno

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Maraming bahay ang gagawin ng gobyerno

NOONG nakaraang Nobyembre 2022, ipinangako ni President Ferdinand Marcos Jr. na pipilitin ng kanyang administrasyon na makapagpagawa ng 1-milyong low cost housing units bawat taon. Kaya sa pagtatapos ng kanyang anim na taong termino, tinatayang anim na milyong bahay ang maipatatayo ng kanyang pamahalaan. Ito raw ang kanyang hinahangad ang magkaroon ng desenteng bahay ang mga mahihirap.

At mukhang magkakaroon ng katuparan ang kan­yang mga pangako sapagkat marami nang na­ipatayong bahay sa kabila na mag-iisang taon pa lamang ang kanyang gobyerno sa darating na Hunyo. Kung magtutuluy-tuloy ang kanyang housing prog­ram, baka sobra pa sa anim na milyong housing units ang kanyang maipatayo.

Noong Lunes, naging panauhing pandangal siya sa groundbreaking ng  Disiplina Village sa Arkong Bato Park, Valenzuela City. Ito ang ikaapat na Disi­p­­lina Village na itatayo sa 2.07 ektaryang lupain sa Bgy. Arkong Bato at makikinabang ang 1,200 informal settler families, na nakatira sa pampang ng Tullahan River at Manila Bay. Ang pagtatayo ng Disiplina Village ay suporta sa Build Better More Housing Program ng Marcos administration.

Sa okasyon, sinabi ni President Marcos na pinag-aaralan ng kanyang pamahalaan na tayuan ng bahay ang mga nakatiwangwang na lupaing pag-aari ng pamahalaan.

Ayon kay Marcos, patuloy na nagsisikap ang kan­yang pamahalaan na makapagpatayo pa nang mara­ming pabahay para sa mga minamahal niyang kaba­bayan. Pinag-aaralan na raw kung paano isasagawa ang pagtukoy at paggamit sa mga bakanteng lupa ng gobyerno na tatayuan ng mga pabahay.

Maganda ang layunin na mabigyan ng sariling bahay ang mga mahihirap na Pilipino. Nararapat lamang na maging mabusisi sa mga pagkakalooban o benipisyaryo at baka sa dakong huli ay ibebenta lamang ang unit na pinagkaloob at saka babalik sa pagiging iskuwater.

Hindi rin naman dapat na mabigat ang monthly amortization ng mga ipagkakaloob na bahay para hindi mahirapan ang mamamayan. Kung mabigat at hindi mabayaran, sayang lang ang housing program. Hindi dapat mahirapan ang mga mahihirap sa pagkakamit ng sariling bahay.

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with