^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pangunahan ng gobyernoang pagtitipid sa tubig

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Pangunahan ng gobyernoang pagtitipid sa tubig

Nahaharap sa krisis sa tubig ang bansa, ayon kay President Ferdinand Marcos Jr. Sinabi niya ito nang magtalumpati sa 6th Edition Water Phi­lippine Conference and Exposition sa SMX Convention Center sa Pasay City noong Huwebes. Ayon sa presidente, seryoso ang problema sa tubig sa bansa. Hindi raw siya nananakot pero mahalaga raw ang pagtutulungan ng bawat isa sa problemang ito sa tubig. Sa okasyon ding iyon niya nilagdaan ang Executive Order (EO) na nagtatatag sa Office of the Water Management. Sabi ng presidente, nararapat gamitin ang teknolohiya para sa water management lalo na sa National Capital Region. Binigyang-diin ng presidente na lubhang malaki ang ginagampanan ng tubig sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao.

Ang pakiusap ni Marcos na magtulungan ang lahat para malampasan ang krisis sa tubig ay eksakto naman sa inihayag ng PAGASA na pag-iral ng El Niño phenomenon kung saan ay makakaranas ng kakapusan sa ulan at magiging dahilan nang pagkatuyo sa malaking bahagi ng bansa sa mga susunod na buwan.

Nagbabala rin noong Martes ang National Water Resources Board (NWRB) na nahaharap sa kakapusan ng tubig ang Metro Manila sa mga susunod na buwan. Hinihikayat ng NWRB ang publiko na magtipid sa tubig. Payo ni NWRB Executive Director Sevillo David na huwag mag-aksaya at irecyle ang tubig. Ito raw yung sinasabi nilang dapat ay tumulong ang publiko o consumers sa water management. Sa ngayon daw ay marami pang tubig ang Angat Dam at kaya pang tustusan ang pangangailangan ng mga taga-Metro Manila. Nasa 202.5 daw ngayon ang water level sa Angat Dam at sapat na sapat pa.

Tama naman ang paalala na magtipid sa tubig ang publiko. Pero mas magiging epektibo ang panawagan kung mauuna ang pamahalaan sa pagpapakita ng halimbawa sa pagtitipid ng tubig.

Nararapat simulan ng pamahalaan na ipag-utos sa lahat ng tanggapan na huwag hayaang bukas at tulo nang tulo ang mga gripo. Maraming government offices ang nag-aaksaya sa tubig. Hindi nila inaayos ang mga sirang tubo ng gripo. Patuloy ang tapon.

Marami rin namang leak ang mga tubo ng gripo sa kalye at tila napapabayaan ng Maynilad at Manila Water. May mga lubak sa kalye na walang tigil ang daloy ng tubig at naaaksaya.

Maging halimbawa ang pamahalaan para tularan ng mamamayan sa pagtitipid ng tubig.

EO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with