^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Unahin ang ilalaman sa bituka, huwag ang Cha-cha

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Unahin ang ilalaman sa bituka, huwag ang Cha-cha

Nakapagtataka kung bakit atat na atat ang House of Representatives sa pag-amyenda sa 1987 Constitution. Agad-agad nilang inapru­bahan ang isang resolusyon na tumatawag sa pagka­karoon ng constitutional convention (con-con). Ura-urada sila na para bang makakabusog sa nagugutom na mamamayan kung maamyendahan ang konsti­tusyon. Para bang ito ang kasagutan sa mga problemang nakasakmal sa mamamayan. Kung maamyendahan ba ang Konstitusyon, dadagsa ba ang investors dito sa bansa. Pinupunto ng mga kongresista na mapapaluwag daw ang pagnenegosyo ng mga dayuhan kapag nabago ang Konstitusyon. Ang totoo, mas gusto ng mga dayuhan na pagaanin ang pag-iisyu sa kanila ng permit para makapagnegosyo rito. At mayroon nang batas para rito—ang Ease of Doing Business. Hindi na kailangan ang Cha-cha.

Maraming tutol sa Cha-cha. Kapag naaprubahan, mapapahaba ang termino ng mga namumuno sa bansa. Matatakawan sila at magiging gahaman.

Maski si President Ferdinand Marcos Jr. ay prangkahang sinabi na hindi prayoridad ng kanyang pamahalaan ang Cha-cha. Mas nakapokus daw ang pamahalaan sa paghanap ng investors.

Maski ang karamihan sa mga senador ay hindi pabor sa Cha-cha. Sabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri hindi prayoridad ng Senado ang Cha-cha. Hindi raw makakaakit ng dayuhang investors ang pagpapalit ng Konstitusyon. Isa pa raw, marami na silang naipasang batas para maging maluwag ang pagnenegosyo sa Pilipinas at pinapayagan na ang 100% ownership sa mga dayuhan.

Hindi dapat ipagpilitan ang Cha-cha sapagkat malaking pera ang kakailanganin para makapagdaos ng plebisito ukol dito. Sinabi ng National Economic Development Authority (NEDA), gagastos ang pama­halaan ng P13.8 bilyon para sa pagdaraos ng plebisito. Saan kukuha ng ganito kalaking halaga ang pamahalaan? Mangungutang? Sa latest data ng Bureau of Treasury ang kabuuang utang ng Pilipinas ay P13.42 trillion.

Isantabi ang Cha-cha. Huwag itong ipagpilitan. Maraming naghihikahos at nagugutom. Unahin ang mga ito kaysa pag-amyenda sa Konstitusyon.

CONSTITUTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with