^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Sunud-sunod na pagpaslang naghahatid ng pangamba

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Sunud-sunod na pagpaslang naghahatid ng pangamba

Nagpapatuloy ang pagpaslang sa mga elected­ officials at ang mga ganitong pangyayari ay nag­dudulot ng takot at pangamba. Hindi na kinababakasan ng takot ang mga kriminal sapagkat pinapasok na nila sa bahay ang target. Sinisigurong hindi sila sumablay sa misyon.

Niratrat at napatay ng limang lalaking nakasuot ng military uniform si Negros Oriental Governor Roel Degamo habang namamahagi ng ayuda sa mga tao sa loob mismo ng kanyang bahay noong Sabado. Bukod kay Degamo, limang iba pa ang napatay. Dinala sa ospital ang governor subalit dineklara nang patay. Kinahapunan, naaresto na ang dalawa sa mga suspect. Kahapon isang suspect ang aarestuhin subalit lumaban kaya napatay ng mga pulis.

Kahit sa mismong bahay ay hindi na ligtas ang mamamayan. Pinapasok para patayin ang kanilang target. Anong nangyayari at balewala na ngayon ang pagpatay. Nasaan naman ang kapulisan na nangako ng 24/7 na pagbabantay. Bakit nakakalusot ang mga criminal.

Isa pa rin sa dapat gawin ng Philippine National Police ay ang pagkumpiska sa mga hindi lisensiyadong baril. Nagkalat ang maraming baril at ginagamit sa pagpatay at iba pang masamang gawain.

Kamakailan lang, tinambangan si Mayor Ohto Mon­tawal ng Datu Montawal, Maguindanao del Sur. Nang­yari ang pag-ambush sa Roxas Blvd., Pasay City. Galing sa isang meeting sa Manila Hotel ang mayor sakay ng van nang dikitan ng dalawang lalaking nakamotorsiklo at pagbabarilin. Tinamaan siya sa braso.

Inambus din si Lanao del Sur Governor Mamintal Adiong noong Pebrero 17. Nakaligtas ang governor subalit napatay ang kanyang apat na police escort. Makalipas ang dalawang araw, si Vice Mayor Rommel Alameda ng Aparri, Cagayan naman ang tinambangan. Namatay si Alameda.

Ngayon ay matindi na ang nangyayari sapagkat pinapasok na sa bahay ang papatayin. Hindi na ba talaga kinatatakutan ng mga criminal ang mga alagad ng batas. Hindi na nangingilag at hindi na nababahag ang buntot. Hindi maganda ito na balewala na lamang ang pagpatay.

Bukod sa pagsamsam sa mga baril, mag-setup ng checkpoint ang PNP at gawing regular ang pagpapatrulya ng pulisya sa mga matataong lugar upang mapigilan ang mga pagpatay. Isilbi ang hustisya sa mga napatay na elected officials. Gawin lahat ang paraan para sila madakip at maparusahan.

GOVERNOR ROEL DEGAMO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with