^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Abot-kayang bayad sa pabahay, tiyakin

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Abot-kayang bayad sa pabahay, tiyakin

PROBLEMA nang maraming Pilipino ang kawalan ng bahay at lupa. Maraming nangangarap na magkaroon kahit maliit na lote. Maligaya na raw sila basta matatawag na kanila. Sawang-sawa na raw sila sa pangungupahan. Pagod na pagod na rin sila sa kalilipat. Ang dasal nila magkaroon ng desenteng tahanan na habambuhay na sa kanila.

Halos lahat ng mga naging presidente ng bansa ay nagkaroon ng housing projects para malunasan ang problema sa pabahay. Para masolusyunan din ang pag-squat sa kung saan-saan na kadalasang panganib ang kinahahantungan. Kapag nagkasunog damay-damay na lahat. Kapag bumaha, tinatangay ang nasa pampang ng ilog o estero.

Sa panahon ni dating President Ferdinand Marcos Sr. maraming pabahay ang gobyerno. Isa na ang BLISS projects na style condominium. Maraming itinayong BLISS pero hindi rin nagtagumpay sapagkat mara­ming ibinenta lang ang unit. Karamihan sa benepis­yaryo ay hindi naman talaga mahirap. Nagkaroon ng palakasan sa pagkuha ng unit sa BLISS.

Sa panahon ni President Cory Aquino, nilunsad ang mga low-cost housing. Pero dahil mahal ang monthly amortization, marami ang hindi nakabayad. Na-foreclosed ang property. Balik-eskuwater ang may-ari.

Sa term ni FVR, itinayo ang mga gusali na style condo rin. Pero hindi rin nasolusyunan ang problema sa housing. Marami rin ang nagbenta ng unit. Iba’t iba ang nag may-ari. Nababoy ang gusali gaya ng nasa Osmeña Highway na nagsabit ang mga sampay na damit. Marusing.

Ngayong term ni Pres. Ferdinand Marcos Jr. nilunsad niya ang proyektong pabahay na nangangako nang mababang hulog buwan-buwan. Kayang-kaya umano itong bayaran. Para raw ito sa minimum wage earners, mga informal settlers, mga nakatira sa danger zone, at mga naghahangad ng mura, simple, at komportableng bahay.

Sabi ni Department of Human Settlements and Urban­ Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar maaaring magbayad ang isang pamil­ya ng P3,500 hanggang P4,000. Bababa pa raw kung may subsidy ang gobyerno ayon kay Acuzar.

Sana bumaba pa. Pag-aralan pa sana kung ma­iba­baba pa ang monthly amortization. Marami ang karampot lang ang suweldo. Sayang naman kung hindi nila mababayaran dahil mataas pa rin ang buwanang hulog. Kung mas mababa, tiyak magtatagumpay ang pabahay ng administrasyon.

DHSUD

FERDINAND MARCOS JR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with