^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Nasayang na bakuna

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Nasayang na bakuna

Susunugin na lamang ang mga nasayang na bakuna laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng tinatawag na pyrolysis. Ito ang sinabi ni Sen. Francis Tolentino, chair ng Senate Blue Ribbon Committee sa ginawang hearing noong Martes kasama ang mga representative ng Department of Health (DOH). Ang problema lamang ayon kay Tolentino, ay kung saan dadalhin ang mga abo ng mga sinunog na expired na bakuna. Ayon sa report, 44 milyon ang mga na-expired na bakuna. Ayon kay Tolentino, ang Department of Environment and Natural Resources ang manga­ngasiwa sa pagsunog sa mga expired vaccines. Iimbitahan daw nila ang DENR sa sunod na pagdinig para malaman kung saan dadalhin ang mga abo ng sinunog na bakuna.

Naging problema ang hindi naman sana naging problema. Kung naibakuna sana ang ganun karaming COVID vaccines ay wala nang gagawing pagsunog pa at kung saan dadalhin ang abo nito. Ang masaklap pa, parang sinunog lang ang pera dahil mahal ang pag­kakabili sa mga nasabing bakuna. Ayon sa report, tinatayang P1.99 bilyon ang halaga ng mga nasayang na bakuna.

Sinabi ng DOH na karamihan sa 44 ­milyon na nasa­­yang na bakuna ay mula sa local go­vernment units (LGUs) at pribadong sektor. Sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire nang humarap sa Senate Blue Ribbon committee ang 33.35 percent o tinatayang 14.5 milyon nito ay mula sa LGUs at tanging­ 2.02 percent o tinatayang 2.9 milyon ay mula sa national government. Sinabi pa ng DOH na 10.95% ng kabuuang na-expired na bakuna ay galing sa COVAX facility.

Marami ang hindi nabakunahan kaya marami ang nag-expired. Hindi naabot ng DOH ang target na bilang ng populasyon kaya maraming nasayang na bakuna. Noon, sinabi na magbabahay-bahay ang DOH para marami ang mabakunahan pero hindi rin naisagawa.

Ilang linggo na ang nakararaan, sinabi ng Pharmaceutical and Healthcare Associations of the Philip­pines na dapat daw mag-import ng vivalent COVID vac­cines. Kailangan daw mag-procure ng nasabing bakuna.

Kailangan ba talaga ito? Ngayong may mga nasa­yang na bakuna, kailangan bang bumili uli. Dapat tutulan ito. Tama na ang pag-aaksaya. Ubusin muna ang mga naunang biniling bakuna.

DOH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with