^

PSN Opinyon

OVR puwede nang bayaran online

QC ASENSO - Joy G. Belmonte - Pilipino Star Ngayon

AKALA ng ibang mga nakatanggap ng Ordinance Violation Receipt (OVR) dahil sa paglabag ng batas trapiko o ordinansa ng lungsod, hindi sila magkakaproblema kapag dinedma nila at hindi binayaran ang multang nakasaad dito.

Ang hindi nila alam, naka-record ang mga paglabag na ito sa sistema ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno at posibleng makaapekto sa kanilang mga transaksyon, gaya ng pagkuha ng police clearance at pag-renew ng lisensya.

Wala na ring puwedeng idahilan ang mga lumabag sa ordinansa at batas-trapiko dahil maaari na silang magbayad online.

Ito’y sa pamamagitan ng inilagay nating online payment system para sa pagbabayad ng Ordinance Violation Receipt (OVR) sa official website ng QC government (quezoncity.gov.ph).

Sa sistemang ito, hindi na kailangang umalis ng bahay o pumila saan man ang ating QCitizens na nakatanggap ng OVR dahil maaari nang gawin sa computer o cellphone ang pagbabayad ng multa.

Makatutulong din ito para mahikayat ang mga lumabag na bayaran ang kanilang multa, sa halip na palipasin na lang ito hanggang mabaon sa limot.

Makikita ang online payment para sa OVR sa e-services portion ng ating official website (https://qceservices.quezoncity.gov.ph).

Una, kailangan munang gumawa ng account. Pagka­tapos, i-click ang “OVR Online Payment” icon sa QC E-Ser­vices at ipasok ang OVR Ticket No. at apelyido. Matapos­ tanggapin ang Accept End User Agreement, maaari nang hanapin ng violator ang tiket na natanggap.

Maaaring mamili ang violator kung magbabayad online sa pamamagitan ng Gcash, PayMaya at PayGate o kung gusto niyang mag-over the counter sa Landbank fund transfer. Pwede rin silang personal na magtungo sa QC OVR Redemption Center o sa anumang sangay ng Landbank para magbayad gamit ang Order of Payment.

Kapag  nakumpleto ang manual payment, dapat ipadala ang picture ng order of payment at validated deposit slip sa [email protected] para maitala ang transaksyon at mamarkahang bayad na.

Pagkatapos ng ilang araw, maaari nang kunin ang Official Receipt sa Traffic and Transport Management Department Office-QC OVR Redemption Center o di kaya’y sa Department of Public Order and Safety (DPOS) Office-Information/Receiving Counter.

Ang OVR online payment system ay bahagi ng ating tuluy-tuloy na pagsisikap na ma-automate lahat ng transaksyon at proseso sa City Hall at mapagaan ang buhay ng ating QCitizens.

ORDINANCE VIOLATION RECEIPT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with