^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kaya ba ng mga bahay at gusali ang 7.2 na lindol?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Kaya ba ng mga bahay at gusali ang 7.2 na lindol?

UMABOT na sa 28,000 ang namatay sa malakas na lindol na tumama sa Turkey at Syria noong naka­raang linggo. Ayon sa United Nations, maaaring ma­doble pa ang mga patay sapagkat marami pa ang hinahanap sa mga guho. Pahirapan ang pag-rescue sapagkat grabeng lamig ang tumama ngayon sa Turkey. Dalawang Pinay naman ang naiulat na namatay samantalang isa ang nakitang buhay kama­kalawa.

Sa mga lumabas na video sa social media, nakunan kung paano unti-unting bumagsak ang mga gusali sa siyudad ng Hatay. Parang mga bahay ng posporo na itinulak at unti-unting bumagsak at napuno ng usok. Maririnig ang sigawan ng mga tao habang patuloy sa pagyanig ang lupa.

Sampung probinsiya sa Turkey ang grabeng tina­maan at halos lahat ng mga gusali ay nagiba sa isang iglap. Pati mga bagong gusali ay walang anumang dumapa.

Nag-iimbestiga naman ang awtoridad sa Turkey dahil sa pag-collapse ng mga gusali at 113 katao ang iniutos dakpin. Noong Linggo, ipinag-utos na ng vice president ng Turkey na ikulong ang 113 suspects na responsable sa pagguho ng mga gusali. Hinala ng mga awtoridad na may kapabayaan sa paggawa ng mga gusali ang mga inarestong suspect kaya nagkaroon nang malawakang pagguho. Ngayon lamang umano nangyari ang ganitong pagguho na halos walang natira. Libong gusali at mga bahay ang big­lang dumapa sa maraming probinsiya at siyudad.

Ang nangyari sa Turkey at Syria ay maaaring ma­ganap sa Pilipinas. Nangyari na ito noong Hulyo 16, 1990 nang lumindol sa Luzon na ikinamatay ng 1,600 katao at ikinawasak ng mga gusali at hotel. Noong Agosto 2, 1968, tumama ang magnitude 7.6 na lindol na ikinawasak ng Ruby Tower sa Sta. Cruz, Maynila at ikinamatay ng 270 katao. Noong 2013, nagbabala ang Phivolcs na kapag tumama sa Metro Manila ang 7.2 magnitude na lindol, 37,000 katao ang mamamatay.

Malaking tanong ngayon kung ang mga gusali, condominium at mga bahay ay makakaya ang lakas na 7.2 magnitude na binabala ng Phivolcs. Dumaan ba sa maayos na pagsusuri ang istruktura ng mga gusali o mga bahay? May mga safety standards bang sinunod ang mga itinayong gusali at bahay? Sumunod ba sa batas o nadaan sa “lagayan”?

Bukod sa pag-iinspeksiyon ng mga gusali para matiyak kung ligtas sa lindol, mahalaga ring magkaroon ng regular na earthquake drill sa mga tanggapan ng pamahalaan. Ihanda ang mamamayan sa pagtama ng lindol. Tandaan na ang pagpa-panic ang nakamamatay at hindi mismo ang lindol.

LINDOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with