^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Extension ng mga lumang jeepney

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Extension ng mga lumang jeepney

Maaari pa ring yumaot  at bumiyahe sa kani-kanilang ruta ang mga lumang jeepney. Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), binigyan nila ng extension ang mga luma at tradisyonal na jeepney. Ihahayag ng LTFRB kung hanggang kailan ang ibibigay na extension. Ayon sa report maaaring i-extend ng isang taon ang pagbiyahe pa ng mga lumang jeepney. Ang orihinal na deadline para itigil nang tuluyan ang operasyon ng mga lumang jeeney ay sa Marso 31, 2023. Ang pagkansela sa prankisa ng mga lumang jeepney ay alinsunod sa public utility vehicle modernization program. Sa pagpapalawig ng prankisa, maaaring magpatuloy sa pamamasada ang may 25,000 jeepney hangga’t hindi inihahayag kung hanggang kailan ang extension ng prankisa.

Sinabi ng LTFRB na 60 porsiyento pa lamang ang nakakasunod sa jeepney modernization. Ayon kay LTFRB chairman Teofilo Guadiz III, 85 percent ng tradisyunal na jeepney ang target nila para sa modernisasyon.

Mukhang maikli ang isang taon para sa extension ng mga tradisyunal na jeepney lalo pa nga at bago pa lamang bumabangon ang ekonomiya ng bansa. Bukod pa rito, patuloy ang pagtaas ng petroleum products. Patuloy din ang pagtaas ng bilihin, Marami sa riding public ay umaasa sa libreng sakay.

Mas maganda kung tutulungan ng pamahalaan ang mga operator na makabili ng mga modernong jeepney na abot kaya. Kung maaari panatilihin ang anyo ng mga jeepney na naging tatak na sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang modern jeepneys ay nagkakahalaga ng P700,000. Paano kakayanin ng operators ang halagang ito.

Kung matutulungan ng pamahalaan na makabili ng modern jeepney ang mga operator, posibleng matuloy ang modernization. Maaari rin namang kunin ang tulong ng mga sikat na jeepney maker na gaya ng Sarao Motors, Francisco Motors, Malagueña Motors at iba pang mahuhusay na kompanya. Maaaring may maitulong sila sa jeepney modernization.

LTFRB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with