The last man standing sa panawagan na courtesy resignation ng 3rd level officers sa Philippine National Police ay isang lieutenant general? Sino kaya ang heneral na matigas ang ulo? Matatandaan na sinabi ni Interior Secretary Benhur Abalos na isang heneral na lang sa mahigit 950 na 3rd level officers heneral na hindi pumirma sa kanyang panawagan na magsumite ng courtesy resignation para linisin ang hanay ng PNP ng mga sangkot sa droga.
At ang ugong sa Camp Crame sa kasalukuyan, ang natitirang sumuway sa pakiusap ni Abalos ay isang lieutenant general. Hehehe! May walong lieutenant generals sa PNP sa kasalukuyan at tatlo sa kanila ang nasa command group. Marami sa kanila ay kasama sa 32 heneral na magreretiro na sa taon na ito, di ba Boss Caby? Eh di wow!
Gusto n’yo ng clue, mga kosa? Hehehe! ‘Wag na at tiyak mabilis n’yo siyang makikilala. Basta, ayon kay PNP chief Gen. Junaz Azurin, kinompronta niya ang heneral at tinanong ang dahilan at ang sabi ay “personal prerogative” niya ito at tama naman di ba mga kosa? Dipugaaaaa! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Sinabi ng mga kosa ko na may dalawang dokumento pala na inihain para pirmahan ng mga heneral at colonel. Ang una ay tinatawag nilang compliant na ibig sabihin ay makipag-cooperate o payag sila na sumailalim sa courtesy resignation. Ang pangalawa ay tinawag na uncompliant na ibig sabihin ay magsusumite lang sila ng courtesy resignation kapag napatunayan na sangkot sila sa droga. Hayan, maliwanag na mga kosa ha?
Ang nangyari, ayon sa mga kosa ko, 90 porsiyento sa mga 3rd level officers ng PNP ay pumirma sa uncompliant na aspeto ng courtesy resignation na inirekomenda ni Azurin. Eh di wow! Hehehe! Totoo kaya ang kumakalat na balita na 46 sa mga heneral at colonel ang target sa courtesy resignation? Dipugaaaaa! Di ba ginigiit ni Azurin na kokonti lang sila na nasa listahan niya? Anyare?
Dahil kumpleto na ang 5-man team para magrebisa nitong courtesy resignation, tiyak aarangkada na ang pagrebisa ng dokumento ng mga heneral at colonel. Sana hindi magamit ang pakiusap na ito ni Abalos na baklasin ang lahat ng nagtrabaho sa drug war ni Tatay Digong. Dipugaaaaa! Kung sabagay, ipinangako naman ni Azurin na walang pulitika sa hakbangin na ito. Eh di wow!
Ang unang i-monitor natin mga kosa ay kung ano ang magiging kapalaran nitong lieutenant general sa kamay ng 5-man committee kahit ibinabando ni Abalos na walang sanction na ipapataw sa kanya. Abangan!