^

PSN Opinyon

Lieutenant general ng PNP, ayaw ng courtesy resignation?

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

The last man standing sa panawagan na courtesy resig­nation ng 3rd level officers sa Philippine National Police ay isang lieutenant general? Sino kaya ang heneral na matigas ang ulo? Matatandaan na sinabi ni Interior Secretary Benhur Abalos na isang heneral na lang sa mahigit 950 na 3rd level officers heneral na hindi pumirma sa kan­yang panawagan na magsumite ng courtesy resignation para linisin ang hanay ng PNP ng mga sangkot sa droga.

At ang ugong sa Camp Crame sa kasalukuyan, ang natitirang sumuway sa pakiusap ni Abalos ay isang lieutenant general. Hehehe! May walong lieutenant generals­ sa PNP sa kasalukuyan at tatlo sa kanila ang nasa command­ group. Marami sa kanila ay kasama sa 32 heneral na mag­reretiro na sa taon na ito, di ba Boss Caby? Eh di wow!

Gusto n’yo ng clue, mga kosa? Hehehe! ‘Wag na at tiyak­ mabilis n’yo siyang makikilala. Basta, ayon kay PNP chief Gen. Junaz Azurin, kinompronta niya ang heneral at tinanong ang dahilan at ang sabi ay “personal preroga­tive” niya ito at tama naman di ba mga kosa? Dipugaaaaa! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sinabi ng mga kosa ko na may dalawang dokumento pala na inihain para pirmahan ng mga heneral at colonel. Ang una ay tinatawag nilang compliant na ibig sabihin ay makipag-cooperate o payag sila na sumailalim sa cour­tesy resignation. Ang pangalawa ay tinawag na uncompliant na ibig sabihin ay magsusumite lang sila ng courtesy resignation kapag napatunayan na sangkot sila sa droga. Hayan, maliwanag na mga kosa ha?

Ang nangyari, ayon sa mga kosa ko, 90 porsiyento sa mga 3rd level officers ng PNP ay pumirma sa uncompliant na aspeto ng courtesy resignation na inirekomenda ni Azurin. Eh di wow! Hehehe! Totoo kaya ang kumakalat na balita na 46 sa mga heneral at colonel ang target sa courtesy resignation? Dipugaaaaa! Di ba ginigiit ni Azurin na kokonti lang sila na nasa listahan niya? Anyare?

Dahil kumpleto na ang 5-man team para magrebisa nitong courtesy resignation, tiyak aarangkada na ang pagrebisa ng dokumento ng mga heneral at colonel. Sana hindi magamit ang pakiusap na ito ni Abalos na baklasin ang lahat ng nagtrabaho sa drug war ni Tatay Digong. Dipugaaaaa! Kung sabagay, ipinangako naman ni Azurin na walang pulitika sa hakbangin na ito. Eh di wow!

Ang unang i-monitor natin mga kosa ay kung ano ang magiging kapalaran nitong lieutenant general sa kamay ng 5-man committee kahit ibinabando ni Abalos na walang sanction na ipapataw sa kanya. Abangan!

CAMP CRAME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with