^

PSN Opinyon

Hindi siya ang tatay  

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

DAHIL bawal ang diborsyo sa Pilipinas sa ilalim ng umiiral na batas, ang tanging paraan para makawala sa isang kasal ay kung namatay ang isa sa mag-asawa. Kapag ang mister ang namatay, ang kanyang biyuda ay bawal mag-asawa sa loob ng 301 araw ayon sa ating batas (Art. 351 Revised Penal Code). Walang lisensiya o marriage license ang maaaring ilabas sa loob ng nasabing panahon at ito ay para maiwasan ang kalituhan sa kung sino ang tunay na ama ng isisilang na sanggol kung sakali at buntis ang babae.

Pero kung sakali at manganak siya sa loob ng 300 araw ay walang magiging gulo at puwede na siyang mag­pakasal na hindi iintindihin ang tungkol sa paternity ng sanggol.  

Ang nangyari kay Melissa ay parang ganito. Noong Marso 13, 2010, nagpakasal siya kay Andy. Matapos ang limang taon, wala silang naging anak. Nagpatingin pa ang mag-asawa sa doktor pero ang sabi, hindi sila magkakaroon ng anak dahil baog si Andy.

Sa kabila ng kanyang masidhing pagnanais na magkaanak, walang nagawa si Melisa at tinanggap na lang ang kanyang kapalaran. Makalipas ang dalawang taon, namatay si Andy noong Hunyo 2017.

Matapos ang pagkamatay ni Andy, nakilala ni Melisa­ si Ramon. Dahil sa matinding kagustuhan na magkaanak, nagpakasal si Melisa kay Ramon sa loob lang ng 90 araw matapos ang pagkamatay ni Andy.

Kaya ang nangyari, kinasuhan si Melisa sa paglabag ng Art. 351 RPC sa pagpapakasal ng isang biyuda sa loob ng ipinagbabawal na 301 araw mula pagkamatay ng kanyang mister. Nagkasala nga kaya si Melisa?

HINDI. Ang tanging rason kung bakit ipinagbabawal ito ay para maiwasan ang kalituhan kung sino ang tatay ng magiging anak ni Melisa. Dahil napatunayan naman na baog at walang kakayahan ang mister ni Melisa na magkaanak, wala na ang inaasahan na isyu (People vs. Masinsin, GR 9157-R, June 4, 1953).

BUNTIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with