^

PSN Opinyon

Babala: Walang lugar ang fixers sa Makati!

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Naging maugong na balita nitong nakaraang linggo ang entrapment operations na ginawa namin para mahuli ang itinuturong fixers sa loob ng Makati City Hall. Sa nasabing ope­rasyon, naaresto ang tatlong indibiduwal, kabilang ang da­lawa naming empleyado.

Matapos makatanggap ng report ang aking opisina tungkol sa mga fixer, agad kong pinaaksyunan ito sa ating kapulisan. Noong January 30 ginawa ang operasyon. Unang naaresto sina Aisheen Mana-ay, 27, at Wilfreda de Leon, 59, at Administrative Assistant II (regular status) sa City Hall.

Humingi umano ang dalawa ng P500 mula sa isang pulis na nagpanggap na businesswoman.

Nakuha mula sa dalawang suspek ang isang P500 bill, 88 piraso ng P1,000 at tatlong P500 na boodle money, at isang black Cherry Mobile tablet.

Ang ikalawang entrapment operation naman ay nang­yari sa 7-Eleven J.P. Rizal Ave. branch bandang alas-7 ng gabi.

Nanghingi umano si Merlin Balbuena, 46, empleyado ng Sanitary Section ng Makati Health Department (casual­ status), ng P600 kapalit ng mabilis na issuance ng health certificate.

Kinumpiska mula sa suspek ang isang P1,000 bill, 49 piraso ng P1,000 boodle money, at 41 health certificates.

Kaagad na inaresto ang tatlo at dinala sa Makati City Police station.

Bukod sa pagkakaaresto ay hindi na makukuha ni De Leon ang kanyang mga benepisyo dahil siya ay nahaharap sa kaso ng paglabag sa RA 11032 o  Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.

Gusto kong pasalamatan at bigyan ng komendasyon ang ating kapulisan sa pangunguna ni police chief PCol. Edward Cutiyog sa magaling na pag-handle ng sensitibong kasong ito.

Nawa ay magsilbi itong babala sa mga fixer sa loob at labas ng pamahalaang lungsod. Hindi po kami titigil sa panghuhuli at pagpaparusa ng mga tiwaling kawani at opis­yal sa City Hall.

Gusto kong mapanatiling malinis ang rekord ng aking­ administrasyon laban sa korapsyon at mga maano­malyang transaksiyon. Hindi ko hahayaang sirain ng iilang tao ang pinaghirapan at pinagsikapan ng mas maraming lingkod-bayan sa loob nang maraming taon.

Tandaan ninyo ito: walang lugar ang Makati para sa mga manloloko, mandaraya at mandarambong.

Sa mga empleyado ng City Hall, nais kong magpasalamat sa mga patuloy na naglilingkod ng matapat sa kanilang tungkulin. Sana ay hindi kayo masilaw sa maliit na halagang iaabot bilang padulas ng mga fixer o mga nagpapaareglo. Patuloy sana kayong maging matatag laban sa temptasyon at alalahaning sa inyo nagsisimula ang malinis at matapat na pamunuan.

Sa mga negosyante at residente sa Makati, at maging kapwa-empleyado sa City Hall, huwag kayong matakot o mag-atubiling magreport ng mga iregularidad na inyong nakikita sa araw-araw. Makaaasa kayo na makikinig kami at aaksyon sa inyong mga report at sumbong. Mas mabuting mapigilan ang masasamang gawa habang maaga, kaysa patagalin pa ito at maging matinding kanser sa ating lokal na pamahalaan.

MAKATI CITY HALL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with