^

PSN Opinyon

Computers, robots, itinulad sa utak, katawan ng tao

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

KAPAG nasugatan o napaso ang tao, split-second ipina­aalam ng nerve system sa utak na may pinsalang naganap. Eksaktong bahagi ng katawan ang tinutukoy. Split-second­ din inuutos ng utak na kumilos ang tao. Dilaan ang sugat o lumayo sa init. At split-second kumikilos ang immune system. Naglalabas ng antibodies para puksain ang impeksyon o pamanhidin ang kirot. Matulin ang electro-chemical impulses patungo at galing sa utak. Bahagi ‘yon ng natural na proteksyon ng katawan.

Patulin nang patulin ang computer speed. Ang dating­ 256 kilobytes nu’ng dekada-‘90 ay 1.6 gigabytes na nga­yon. Isang click lang sa mouse o screen ay nagbubukas­ agad sa kisap-mata ang app o dokumento. Kaya ng com­puter industry umimbento ng dobleng speed tuwing 18 buwan. Parang hinahabol ang split-second reaction time ng katawan. (Ang mabagal na laptops na lang ngayon ay ‘yung binili ng mga kawatan sa Procurement Service-Dept. of Budget and Management para sa public school teachers nu’ng Duterte admin. Substandard na nga, over­priced pa. Napag-iiwanan ng panahon dahil sa korapsyon.)

Minememorya ng utak ng tao ang mahahalagang impormasyon at karanasan. Tumatanim sa isip ng sanggol­ ang tinig ng ina na nagpapasuso sa kanya. Bumabaon sa isip ng ama ang mga paraan ng paghahanapbuhay. Memor­yado ng tao ang mga numero, addition, subtraction­, multi­­plication, division, fractions, decimals. Mga pa­ngalan ng tao, lugar at kaganapan. Pero limitado ang brain cells ng tao para sa memorya. Okupado ang bungo ng iba pang dapat: pang-analisa, panglikha, pang-emosyon, at iba pa.

Pinupunuan ng computer ang kakulangan ng memorya ng tao. May smartphones na 128 megabytes ang memory. Kayang mag-save ng dosenang pelikula, daang litrato at libong dokumento.

Maraming maselang trabaho ang tao na paulit-ulit at ka­ilangang wasto. Kung magkamali – “Sorry, tao lang” – maaring­ makapinsala. Halimbawa: pagmamaneho, pagpipinta, pag-oopera, paghihiwa, pananahi sa sewing machine. Dapat alerto ang utak, kundi’y magkakamali, makakasakit, makakagulo.

Pasok ang robots na mabilis ang computer speed, malaking memory, “mata’t tenga” (sensors), braso, kamay at gulong. Kaya nila magpaandar ng barko, humubog ng molde, mag-surgery, bumutas nang eksakto, at manahi nang daang libong bilis kaysa tao.

ROBOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with