^

PSN Opinyon

International emergency pa rin

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MALAPIT nang makatanggap ang bansa ng donasyon ng bivalent vaccines mula sa COVAX. Tinatarget ng bivalent vaccine ang orihinal at omicron variant ng COVID-19. Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, kinakausap ng gobyerno ang Pfizer at Moderna para maka­bili ng bivalent vaccines at hindi pa alam kung ilan ang ma­bibigay ng COVAX. Umaasa ako na ang administrasyon­ ay tumulong sa pagkuha ng bakuna na wala nang aberya. Wala pang nakatakdang alituntunin kung sino ang mga dapat tumanggap ng bakuna. Kapag kumpleto na ang na­unang bakuna at boosters, hindi na kailangan ang bivalent vaccine.

Sinabi kamakailan ng World Health Organization (WHO) na nananatiling internasyonal na emergency pa rin ang COVID-19. Ang anunsyo ay ginawa sa gitna ng mababang bilang ng mga impeksyon at pagkamatay sa mga nakaraang buwan. Ngunit sa pagpapagaan ng China sa mga paghihigpit, ang bilang ng mga impeksyon at pagkamatay ay tumaas.

Bukod diyan, ayon sa ourworldindata.org/covid-vaccinations, malaking bilang ang hindi pa nakakatanggap ng unang dosis ng bakuna. Maaaring ito ang mga kontra-bakuna­ o ang mga hindi madaling mapuntahan ng gob­yerno. Ha­limbawa, ang Africa ay 34% lamang ng populasyon nito ang nabakunahan. Wala pang kalahati. Bukod sa madali pang kapitan ang mga hindi nabakunahan, dito maaaring mamuo ang mga bagong variant.  

 Sa pagluwag ng mga paghihigpit sa buong mundo, halos normal na buhay ang tingin na ng tao. Marami na ang lumuluwas kung saan-saan, maraming party na ang nagaganap. Pati mga concert ay bumabalik na rin. Sana ay hindi ito nagiging pagkakataon para kumalat muli ang coronavirus.

Karaniwang sipon o trangkaso na lang nga ang turing ng marami sa covid. Marami ang hindi na nga nagpapa-test kapag nakakaramdam ng sintomas. Pero may mga namamatay pa rin dahil sa COVID, malamang mula sa mga immunocompromised o mga walang bakuna. May mga naniniwala pa rin na ang pandemya ay kalokohan lamang. Nakakatawa at nakakabahala.

 Ang panganib ng virus na magbago sa isang ng uri o anyo na hindi pa natatagpo ay hindi lang napapanood sa mga pelikula kundi nagaganap na sa totoong buhay. Ang pandemya ng COVID-19 ay patunay niyan. Kumilos ang buong mundo para makahanap ng lunas, gamot at bakuna para matigil ang pagkalat nang husto.

Ang katotohanan na ang isang maliit na organismo ay maaaring magbanta sa atin sa paraang ito ay dahilan para maging mapagbantay. Kaya ito ay isang internasyonal na emergency pa rin. Hindi dapat minamaliit o tingnan na sipon o trangkaso na lang.

COVAX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with