MARAMING nagtatanong kung ilang itlog ang puwede nilang kainin?
May magandang balita at hindi magandang balita tungkol sa itlog.
Ang itlog ay may protina, vitamin B12, vitamin D, riboflavin at folate. Mabuti ito sa katawan at masustansya.
Ngunit sa kabilang banda ay may 213 milligrams ng kolesterol ang isang pula ng itlog.
Heto ang aking payo:
1. Kung ika’y malusog, walang sakit sa puso, diabetes o problema sa kolesterol, puwede kang kumain ng isang (1) itlog sa isang araw. Mag-ingat lang sa mga kasamang pagkain ng itlog tulad ng hotdog, bacon at tocino. Piliin ang boiled egg kaysa sa pritong itlog.
2. Kung ika’y may sakit sa puso, diabetes o mataas ang kolesterol, kailangan limitahan mo ang pagkain ng itlog sa 3 itlog lang sa isang linggo.
3. Sa kahit anong bagay dapat hinay-hinay lang ang pagkain. Kapag sinobrahan mo ang isang bagay, puwede itong makasama sa iyo.
4. Gulay, prutas at isda lang talaga ang masasabi kong subok na sa sustansiya para sa ating katawan.