Narito ang aking payo sa mga magulang para ang kanilang mga anak ay lumaking masayahin.
Ang mga masayahing bata ay nakukuha ang pagiging masayahin sa kanilang mga magulang.
Kung ano ang nakikita ng mga bata sa kanilang magulang iyon din ang kanilang kalalakihan.
1. Maging balanse sa bata. Maaaring maging magiliw sa mga anak ngunit kinakailangan pa rin na mag-set ng patakaran. Para hindi mawala ang respeto ng mga anak sa magulang.
2. Maging laging andyan para sa kanila. Suportahan at pasiglahin sila.
3. Tulungan sila na maintindihan ang kanilang damdamin kung sila ay may stress tulad ng hindi makatulog, pananakit ng ulo, upset na stomach, pabagu-bago ng mood at iritable.
4. Pakinggan ang anak kung sila ay nagsasalita at tanungin sila gaya ng “Ano sa tingin mo?” “Ano sa palagay mo?”.
5. Huwag silang masyadong protektahan.
6. Kinakailangan na matutunan ng bata na ma-manage nang maayos ang kanilang stress.
7. Palakasin ang kanilang kumpiyansa sa sarili.
8. Turuan sila.