^

PSN Opinyon

Baking: Pangontra sa depresyon

KasamBuhay - Jing Castañeda - Philstar.com
Baking: Pangontra sa depresyon
Cupcake-making kasama si Mel Floriselle-Amburgo at isa sa mga paboritong cake design ni Mel.

Kung titingnan mo ang masayahing si Mommy Mel Floriselle-Amburgo, may-ari ng PAMCakes, hindi mo iisiping dumaan siya sa isang mapait na bahagi ng kanyang buhay. Halos sampung taon na ang nakalipas, dalawang beses siyang nakunan, “I had a high-risk pregnancy. And despite taking all the needed medications and injections, I had two miscarriages in one year,” pagbabalik-tanaw niya sa panayam ng Pamilya Talk.

Cupcake-making kasama si Mel Floriselle-Amburgo (owner ng PAMCakes) at ang aming team.

“Yung everyday pag nakikita ko ang husband ko, hindi ko siya kinakausap. Feeling ko ang laki ng kasalanan ko sa kanya kasi hindi ko naalagaan [ang baby namin],” paggunita niya. “Sobrang depressing siya to the point na hindi kami nag-uusap na dalawa sa bahay. Ang usapan lang namin, kumain ka na ba? Ano’ng ulam? Pero yung talagang conversation, wala.” 

Nang nag-maternity leave siya ng dalawang buwan, lalo lang siyang na-depress dahil wala siyang ginagawa sa bahay. Mabuti na lang at dumating ang isang mistulang anghel para tumulong. Isang kaibigan, na isa ring homebaker, ang lumapit sa kanya at doon siya nahikayat na subukan ang baking. Bandang Marso ng 2013, nagsimulang mag-bake si Mel gamit ang premixes, hanggang matuto siyang mag-bake mula sa wala.

Dumalo si Mel sa mga workshop sa sumunod na dalawang buwan. “I just wanted to know how the pastry chefs do it, what brands they use, and also their techniques,” sabi niya.

Bandang Agosto ng taon ding iyon, muling nakunan si Mel at bumalik na naman sa malalim at madilim na hukay ng depression. Para malampasan ang lungkot, pinanatili niyang abala ang sarili sa baking. “Baking became my outlet [to overcome my depression. Kung hindi siguro ako nag-baking that time, feeling ko mas matagal ang naging recovery period ko.”

Nagsilbi rin ang kanyang asawa bilang haligi ng lakas. Siya ang dahilan kung bakit hindi siya sumuko na magka-anak. Sabi ng kanyang mister, “Maubos man ang pera natin, pipilitin nating malaman kung paano tayo magkaka-baby.” 

Nagbunga rin ang walang tigil na checkup sa mga doktor at panalangin, nang matuklasan ng mag-asawa na sila’y magkakaanak na noong Enero 2016. Talagang puno ng sorpresa  ang Panginoon dahil sa sumunod na taon, ipinagbuntis niya ang pangalawa nilang anak. “It was an unplanned pregnancy. Unplanned but not unwanted,” paglilinaw ng nakangiting si  Mel.

Una, nais muna nilang magkabahay. “Bahay muna bago baby. E binigay pareho nang sabay [ni God],” sabi niya.  Maligayang-maligaya ang kanilang pamilya.

Ngayon, may bonus pa si Mel na isang umuunlad na cake business. “When people started ordering cakes for events, doon ko naisip na, ‘Ah totoo na ito. May nagtitiwala na.’ Na-feel ko na legit na [ang business ko] nung ni-register ko na siya sa Department of Trade and Industry (DTI) and Bureau of Internal Revenue (BIR),” sabi niya.

Mensahe ni Mel para sa mga mag-asawang hirap magka-anak: “Kung tingin ninyo financially hindi n’yo kaya, maniwala lang kayo that God provides.”

Inamin naman niya na hindi madaling pagsabayin ang pagpapatakbo ng negosyo at pagiging isang ina. “Pag morning [mga kids] muna. Baking sessions usually happen in the evening,” sabi pa niya.

Hindi madaling magpatakbo ng isang bakeshop, “Actually, mas tiring siya than having a corporate job,” she says, speaking from experience. “But if you’re passionate about it, you’ll keep going.” 

Ilan sa mga paboritong cake design ni Mel.

Payo niya sa mga nangangarap na maging baker: “Stick to your pricing. Do your homework. Do your costing. Ikaw dapat ang magdi-dictate ng presyo ng products mo based sa kaya mong ibigay na output,” she says. “As you go along your journey, it would be better to attend workshops as that will improve the quality of your work. Because of that, mas tataas din ng pwede mong singilin sa client mo.”


Pangarap ni Mel na magkaroon ng dalawang palapag na property kung saan maglalagay siya ng baking supplies store sa unang palapag at workshop area ay storage room sa ikalawang palapag.

Mensahe naman niya sa mga mag-asawa na hindi pa nabibiyayaan ng anak: “Know in your heart that if you truly want something, you must be willing to undergo the process. It’s a journey. Kung tingin ninyo financially hindi n’yo kaya, maniwala lang kayo that God provides. Meron at merong darating [na tulong]. Tutulungan ka ni God para magawa mo ang gusto mong gawin.”

---

Watch Pamilya Talk on FacebookYouTube and Kumu (@JingCastaneda – 12:00 noon – 1:00 p.m. Monday & Wednesday). You can also follow my social media accounts:  InstagramFacebookYouTubeTiktokTwitter and Kumu.  Please share your stories or suggest topics at [email protected].

BAKING

DEPRESSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with