^

PSN Opinyon

HPV at ang nakamamatay na cervical cancer

KasamBuhay - Jing Castañeda - Pilipino Star Ngayon
HPV at ang nakamamatay na cervical cancer
Sa Pilipinas, pumapangalawa ang cervical cancer sa mga nakamamatay na sakit na tumatama sa mga kababaihan. HPV o Human Papillomavirus ang karaniwang sanhi nito.

Mayroong 7,897 na kababaihan ang nagkakaroon ng cervical cancer taun-taon at 4,052 sa mga ito ang namamatay mula sa sakit. Ayon sa mga eksperto, bagama’t maaaring agapan ang cervical cancer, marami pa rin ang hindi nakaliligtas mula rito.  Itinuturing itong pangalawa sa mga uri ng kanser na sanhi ng pagkamatay ng mga kababaihan sa bansa.  

Kaya isa sa mga misyon ng Department of Health (DOH), medical experts, local government units (LGUs), at ilan sa mga pribadong institusyon, ang maging daan para magbigay-proteksyon sa mga Pilipino mula sa sakit na idinudulot ng nakamamatay na Human Papillomavirus o HPV. 

Sabi ni Dr. Carmina Alferez, 99% ng mga kaso ng cervical cancer ay dahil sa HPV, at nagsisimula itong mag-develop sa cervix ng babae.

Nakapanayam ko tungkol sa HPV si Dr. Carmina Alferez, miyembro ng Philippine Obstetrical and Gynecological Society sa aming Pamilya Talk episode.  Ayon kay Dra. Alferez, ang HPV ay isang virus na nakukuha sa pamamagitan ng skin-to-skin-contact habang nakikipagtalik. Walang pinipiling kasarian ang virus na ito kaya lahat tayo ay posibleng mahawahan nito. Dagdag pa ni Dr. Alferez, hindi lamang sa pakikipagtalik maaaring makuha ang HPV.  Puwede rin itong maipasa sa pamamagitan ng vertical transmission – ipinapasa ng ina ang virus sa kanyang ipinagbubuntis.

Magkaiba ang sintomas ng HPV para sa mga lalaki at babae. Karaniwang sintomas ng HPV sa mga kababaihan ay pagkakaroon ng abnormal bleeding habang nakikipagtalik, heavier menstruation, at irregular bleeding. Para sa mga kalalakihan naman, sila ay nagkakaroon ng genital warts sa kanilang ari at puwitan.

May mga pagkakataon kung saan nalalabanan ng matatag na immune system ang virus para ito kusang mawala.  Pero hindi ito malimit mangyari. 

Mayroong 14 na uri ng HPV ang napag-alamang maaaring sanhi ng cancer kabilang na ang anal cancer, penile cancer, oropharyngeal cancer para sa mga kalalakihan, at vaginal cancer, vulvar cancer, and cervical cancer naman sa mga kababaihan. 

Ayon sa pag-aaral, karaniwang tinatamaan ng cervical cancer ang mga kababaihang nasa edad 15 to 44 yrs. old.  Tulad ng nabanggit, ito ang pumapangalawa sa mga naitatalang tumatamang cancer sa mga kababaihan sa Pilipinas. 99% ng mga kaso ng cervical cancer ay dahil sa HPV. Karaniwan itong nagsisimula sa cervix o sa bungad ng uterus mula sa vagina ng babae. 

Nilinaw ni Dr. Alferez na ang pagkakaroon ng HPV ay hindi otomatikong hahantong sa pagkakaroon ng cancer.   Pero kailangang parating magsagawa ng screening na tinatawag na pap smear, lalo na kapag nakaramdam ng mga sintomas ng HPV.

Bakuna panlaban sa HPV 

Mahalaga ang HPV vaccination para ma-proteksyunan laban sa cervical cancer at iba pang malubhang mga sakit. Kaya naman nagsama-sama ang mga institusyon ng kalusugan katulad ng DOH, LGUs, at MSD in the Philippines sa paggawa ng mga programang pupuksa sa HPV.  Kasama na rito ang pagbibigay ng libreng bakuna sa mga kabataan na nasa edad 9 hanggang 14 yrs. old.  “The earlier we get the vaccine, the better,” sabi ni Dr. Alferez. 
 
Kinakailangang makumpleto ng mga batang nasa edad 9 hanggang 14 yrs. old ang primary series ng HPV vaccination na may dalawang bakuna.  Karaniwang ibibinigay ang pangalawang bakuna matapos ang anim hanggang labindalawang buwan mula sa unang bakuna. 
Tatlong doses naman ng HPV vaccines ang kinakailangang makumpleto ng mga mas nakatatanda na nasa edad 15 yrs.old pataas. Kapag nakumpleto ang lahat ng doses ng bakuna para sa iyong edad, hindi na kinakailangan pang magpabakuna ulit laban sa HPV dahil panghabambuhay na proteksyon na ang dulot ng bakuna. Napakadali lamang, hindi ba? 

Naging bahagi rin ng Pamilya Talk episode si Mayor Arth Marasigan ng Sto. Tomas Batangas. Ibinida niya ang kanilang school-based immunization program bilang parte ng 12-point  program ng kanilang lungsod kung saan prayoridad ang kalusugan ng mga residente.

Inilunsad noong November 18, 2022 ng Sto. Tomas, Batangas ang kanilang pinakabagong proyekto na bahagi ng school-based immunization program – ang “Sa aking paglaki, walang HPV.” Layunin ng proyektong mabigyan ng libreng bakuna laban sa HPV ang kanilang mga estudyante. Dagdag pa ni Mayor Marasigan, ang lungsod ng Sto. Tomas ang pinakaunang lungsod na nagsagawa ng ganitong proyekto sa kanilang lalawigan.

 

Binakunahan ang mga mag-aaral sa Sto. Tomas, Batangas laban sa HPV bilang bahagi ng school-based immunization program ng LGU.

Pagkakaisa kontra-HPV

Dahil sa programa, mas napatunayan ni Mayor Marasigan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng multisectoral or multistakeholder collaboration sa pagitan ng gobyerno at pribadong institusyon. Malaking tulong ang kanilang pagsasanib-pwersa sa pagsasagawa ng mga programang pangkalusugan na mas lalong nagpapatibay sa isang komunidad. 

Bilang isang journalist, marami na akong natunghayang mga storya kung saan namamatay ang mga Pilipino mula sa iba’t-ibang klase ng sakit. At kadalasan, ang mga sakit na ito ay ang mga uri ng sakit na maaari sanang maagapan kung mayroon lamang silang sapat na impormasyon at oportunidad para makapagpagamot.

Sabi nga, ‘prevention is better than cure.’  Kaya ako mismo ay matagal nang nagpabakuna laban sa HPV. Hinihikayat ko ang lahat na magpabakuna rin. Hindi lamang ito para sa ating mga sarili, kundi para rin sa ating mga mahal sa buhay na gusto pa nating makapiling sa mas mahabang panahon.
 

---

Watch Pamilya Talk on FacebookYouTube and Kumu (@JingCastaneda – 12:00 noon – 1:00 p.m. Monday & Wednesday). You can also follow my social media accounts:  InstagramFacebookYouTubeTiktokTwitter and Kumu.  Please share your stories or suggest topics at [email protected].

CERVICAL CANCER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with