^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kung kailan may nakapasok na virus, saka maghihigpit

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Kung kailan may nakapasok na virus, saka maghihigpit

HINDI pa raw dapat maghigpit ang Pilipinas sa mga papasok na travellers mula sa China, sabi ng Department of Health (DOH) noong nakaraang linggo. Hindi pa raw dapat magsara ng border. Hindi pa nakaaalarma ang sitwasyon sa China. Ganito rin ang pananaw ni President Marcos Jr. noong Lunes, bisperas ng pagdalaw niya sa China. Hindi pa raw dapat maghigpit. Nakabalik na sa bansa kahapon ang presidente mula sa tatlong araw na pagbisita sa China.

Ilang araw makaraang ihayag ng DOH na hindi pa naman dapat maghigpit sa mga papasok sa bansa galing China, walong Pilipino na nagmula sa nasabing bansa ang nagpositibo sa COVID-19. Kinumpirma mismo ng DOH na ang walong Pinoy travellers ay dumating sa bansa mula Disyembre 27, 2022 hanggang Enero 2, 2023. Ayon sa NAIA-Bureau of Quarantine, ang mga Pinoy ay hindi bakunado. Agad silang isinailalim sa antigen testing at nagpositibo sa COVID. Muli silang isinailalim sa confirmatory RT-PCR testing at muli umanong nagpositibo. Naka-isolate na umano ang walo.

Ngayon naghihigpit ang DOH sa mga pumapasok­ na travellers galing sa China. Sana noon pa ito gi­nawa para wala nang nakapasok sa bansa na kina­tatakutang virus. Paano nakasisiguro na walang nakapasok na virus? Ilang linggo nang naghigpit ang U.S., Italy, India, Japan at iba pang bansa mula sa mga manggagaling sa China. Lahat ay kailangang may negative RT-PCR testing bago makapasok. Pero dito sa Pilipinas nanatiling maluwag. At kung kailan mayroon nang mga nagpositibo saka lamang maghihigpit.

Ang ganitong pangyayari ay nagpapaalala sa naganap noong Enero 6, 2020, kung saan unang napabalita ang pagkalat ng “misteryosong sakit” sa China. Hindi rin naghigpit ang bansa at tila bina­lewala ang sakit. Huli na nang malaman na may nakapasok na sa bansa na dalawang Chinese woman na mula Wuhan City na positibo sa sakit.

Ang kasunod niyon ay ang mabilis na pagkalat ng sakit at ang pagkamatay nang maraming Pinoy. Kung sa una pa lamang ay naghigpit na, hindi na sana kakalat ang COVID-19.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with