^

PSN Opinyon

St. Theresa’s College: 75 taon ng paghubog sa mga kabataang Pilipina

KasamBuhay - Jing Castañeda - Philstar.com
St. Theresa’s College: 75 taon ng paghubog sa mga kabataang Pilipina
Ang campus ng St. Theresa’s College kung saan hinuhubog ang mga kabataan sa husay, kababaang-loob at sa pagkakaroon ng puso para sa mga nangangailangan.

Bilang isang journalist, madalas akong tanungin kung paano ko nagagawang maging kalmado, matatag ang loob at matibay ang pananampalataya sa kabila ng mga nasasaksihan kong mga trahedya at mga kalunos-lunos na pangyayari. Tinatanong din ako kung paano ko natatanggihan ang mga suhol para patuloy na maging tapat sa katotohanan. Ang parati kong sagot, “Isa ito sa mga natutunan ko sa St. Theresa’s.”

Kuwento ng aking kasamahan sa pagbabalita na si Korina Sanchez, siya naman ay madalas ding tanungin kung saan niya natutunan ang kanyang galling sa pagsasalita at pagsusulat ng Inglis at Filipino. Ang automatic din niyang sagot, “Sa St. Theresa’s.”

St. Theresa’s College (STC) sa D.Tuazon, Quezon City, ang nagsisilbing ikalawang tahanan sa mga mag-aaral na hinuhubog – di lamang para maging magaling at mahusay -- kundi para magkaroon ng puso para sa mga nangangailangan.  

“Be a blessing to those in need.” Iyan ang palaging itinuturo sa amin ng mga madre at guro sa STC.

Ipinagdiriwang ngayon ang 75th anniversary ng pagkakatatag ng aking alma mater. Simula 1947, naging misyon na ng eskwelahan ang pagtuturo ng mabuting asal, kakaibang kahusayan o excellence, at paghubog ng mga servant leader na naglilingkod sa mga nangangailangan at nagmamahal sa bayan. Lahat ito ay posible sa tulong ng gabay at mga turo ng aming patron na si St. Teresa of Avila na inialay ang kanyang buhay para sa iba.

Ilan sa mga mag-aaral ng STC noong 1960s.

Binigyang-diin din ng aming Directress Emeritus, Sr. Josefina F. Nebres, ICM sa 75th anniversary commemorative book ng STC na naniniwala siyang nagtagumpay ang Missionary Sisters of the Immaculate Heart of Mary (ICM) sa pagitityak na naisasabuhay ng eskuwelahan ang misyon nito. Ang ICM ang siyang nagpapatakbo at namamahala sa STC. “The Theresian formation program put together many decades ago has been successful. I find joy in seeing our girls develop into women of faith and seekers of truth. They leave STC armed with a strong sense of mission and a keen awareness of the environment and current events. Their hearts are open to the poor and genuinely respond to their needs…They are self-directed and compassionate, life-giving in their relationships. They are nation-builders in their own individual ways.”

Sa pamamagitan ng inspirasyong ibinibigay ng ICM foundress na si Mother Marie Louise De Meester, marami nang mga nagtapos sa St. Theresa’s na nagkaroon ng malaking impact at nakagawa ng pangmalawakang mga pagbabago sa iba’t ibang mga larangan.

Dagdag pa ni Sr. Jo, “We, in ICM, say our goal is ‘Education for leadership and service that is strongly missionary in character.’  Our core values are faith, love, peace, social responsibility, simplicity, service-oriented, compassion, and care for the integrity of creation.”  

Ako mismo’y saksi sa naging papel ng STC, di lamang sa paghasa sa mga mag-aaral, kundi sa pag-alalay din sa kanilang paglalakbay o journey para madiskubre nila ang kanilang mga sariling kakayahan at kung paano nila magagamit ang mga ito para magdulot ng pagbabago sa komunidad at mapabuti ang buhay ng iba.

(L-R) Kasama ang aming Directress na si Dr. Ma. Teresa Bayle, ang aking inang si Rose, ang aking bunsong si Fae, Directress Emeritus Sr. Josefina Nebres, at ang aking mga anak na sina Fiana at Fiona. Pare-parehong Theresians ang aking mga anak.

Nag-aral ako sa St. Theresa’s College sa Quezon City sa loob ng labing-isang taon, simula noong ako’y prep hanggang sa mag-high school. Dito’y tinuruan akong maging mapagkumbaba ngunit matapang, simple ngunit may integridad, maging tapat at magkaroon ng matibay na pananampalataya sa Diyos. Katulad din ako ng ibang estudyante noon na nagrereklamo sa mabigat na gawain sa STC, mas mabigat pa kaysa sa ibang mga eskwelahan. Yun pala, inihahanda lang ako ng institusyon sa pagsabak sa totoong buhay na naghihintay sa aking pag-gradweyt.

Dahil hinasa ako sa STC sa pagiging simple, perfectionist at sanay kumayod at magbanat ng buto, malaki ang naitulong ng determinasyong ito na maglingkod sa aking trabaho bilang anchor at broadcast journalist, at pagiging pinuno na Bantay Bata 163 ng ABS-CBN Foundation.

Kasama ang aking kuya at mga magulang sa awarding of honors sa STC noong ako’y nasa prep (1976).

Sa STC ko nakuha ang aking hilig sa pagsusulat, pakikisangkot sa mga isyu ng bansa, at pagtugon sa tawag ng serbisyo-publiko. Ang aking pagiging Editor-in-Chief ng ‘The Theresian’ newsmagazine naming noong 1986 ang naging simula ng aking karera bilang isang reporter. 

Ang aking write-up sa aming high school yearbook.

Bukod sa akin, marami pang ibang mamamahayag na nagmula sa STC at namayagpag para tumulong magdala ng pagbabago sa bansa, tulad na lamang nina Maria Ronson, Chit Roces-Santos, Chay Hofileña at Patricia Evangelista ng Rappler, Anna Ruth Cabal ng CNN Philippines, Thelma Sioson-San Juan at Nikko Dizon ng Inquirer, press freedom icon na si Letty Jimenez-Magsanoc, Mel Tiangco ng GMA, at Korina Sanchez ng ABS-CBN. Utang na loob namin sa aming mga guro sa Ingles at Pilipino ang aming taglay na kaalaman at galing sa pagsusulat. Tinuruan nila kaming pagyamanin ang aming galing, at imulat ang mga mata sa mga importanteng isyu ng bansa.     

Ngayong diamond jubilee ng St. Theresa’s, inanyayahan ang ilang mga alumni na ibahagi ang kanilang mga naging karanasan bilang isang Theresian sa ilang commemorative books para sa okasyon. Ang kuwentong isinulat ni Shayne Sarte, isa sa mga sikat na cinematographer ng bansa, ang paborito ko. Ibinahagi ni Shayne ang kanyang karanasan noong siya ay grade 3 kung saan naiwan niya sa bahay ang kanyang rubber shoes para sa P.E. Sinubukan niyang tumakas sa silid-aralan para tumawag sa bahay at ipadala ang sapatos.  Pero nahuli siya sa may phone booth at hindi pinayagang tumawag ng kanyang guro. 

“So there I was in P.E. class - in my white t-shirt, blue shorts and black Gregg shoes. I stuck out like a sore thumb. Being the class president, I was mortified. And I promised myself, for the rest of my academic life, this would not happen again.” Binago ng insidenteng ito ang buhay ni Shayne at nagkaroon ng positibong epekto sa kanyang naging career. “To this day in my adult life, I also made sure, I would not sleep until I have prepared my clothes, organized my things and went over my checklist for the next day.  It has been life-changing in a positive way. My work as a cinematographer would involve meticulous preparation and proper selection of equipment and technical requirements.  If there’s anything forgotten, overlooked or unprepared for the actual filming day, it would translate to time and money wasted, and it would oftentimes feel disconcerting.  Just as how I felt during that fateful day in Grade 3. That experience at a young age and the way Ms. Mariano, my teachers and the Sisters at STC had instilled discipline in me have definitely gone a long way.”

Maaaring isa itong maliit na bagay para sa iba, ngunit kahit maliliit na mga bagay o detalye ay may malaking epekto sa buhay ng isang tao. Ang bawat salita ay nagiging aral, ang bawat aral ay tumatanim at nagiging ugali at values na humuhubog sa ating mga karakter at pagkatao. 

Ang mga aral na magpapabuti sa buhay ng iba naman ang ipinaalala ng aming directress na si Dr. Ma. Teresa C. Bayle na laging baunin.   “The transformative education that Theresians receive from STC should find its way in their effort to transform systems, values, and mindset, towards a change in a materialistic lifestyle that continues to creep into the fiber of our being, forcing more created wants than needs which continue to hurt the environment. We hope to produce more Theresians who will be bold to decide and make a stand to do something more for others and society.”  

St. Theresa’s College QC Diamond Jubilee Year (video produced by Shayne Sarte)

Sinegundahan naman ito ng alumna na si China Gabriel sa kanyang write-up tungkol sa nagging epekto ng St. Theresa’s sa kanyang buhay at sa komunidad. “From founding youth-led nonprofits for social change, becoming small business owners of sustainable, low-impact lifestyle brands, to coming together as women speaking out against misogyny and advocating for safe spaces, Theresians have been outspoken and involved, and believe in things bigger than themselves.  Times may change but the most important values crucial to a young woman’s formation remain the same whatever Theresians’ chosen path may be —the values in the song of Mother Foundress and in St. Teresa of Avila’s life story:  great courage, deep love, and a strong sense of mission.” 

Ang mataas na kalidad ng edukasyon, integridad at hindi matatawarang pagpapahalaga sa serbisyo-publiko ang ilan sa mga dahilan kung bakit maraming Theresians sa iba’t-ibang larangan ang nakapagdala ng mabuting pagbabago sa bansa. Ang ilan lamang sa kanila ay sina dating Health Secretary Dr. Chit Reodica, dating PCSO Chairman Margie Juico, dating Marinduque Rep. Josephine Sato, dating FEU President Lydia Echauz, triathlete Joyet Jopson, award-winning writer Norma Olizon, food advocate Nancy Reyes-Lumen, Artistic Director & Conductor of UP Concert Chorus Jai Aracama, UP Assistant Professor in Historical Musicology Pat Silvestre, artist Kankan Ramos, prima ballerina Liza Macuja-Elizalde, at award-winning cinematographer Shayne Sarte.

Ang 75th anniversary celebration ng STC (L-R) Laura Jugueta, Crisanta Dela Peña, Elizabeth Mendoza, Dr. Ma. Teresa Bayle (directress), Alma Paragas, Dr. Guinevere Sacdalan, and Concepcion Franco.

Parating masayang balik-balikan ang mga hindi malilimutang mga karanasan sa St. Theresa’s. Magkakaiba man ang mga karanasan ng iba’t ibang mga henerasyon, pero iisa ang aming tahanan na humubog sa amin at tumulong para magtagumpay sa buhay.  

Dahil madalas wala pang muwang ang mga bata sa kanilang pagpasok sa eskwelahan, mahalaga ang pagkakaroon ng tamang mga guro at mentors na gagabay.   Habang tumatakbo ang panahon at sila ay nagkakaisip, importanteng pinakikinggan ang kanilang mga tinig, nabibigyan sila ng tapang na magtanong, at higit sa lahat, na tama ang mga sagot na ibinibigay sa kanila.  

Bilang panghuli, hayaan ninyong ibahagi ko ang isinulat namang tribute ni Korina at kung ano ang naging papel ng St. Theresa’s sa buhay ng mga Theresian. “According to Google, the five steps in mining diamonds are crushing, screening, scrubbing, concentration and collection. I felt all those, figuratively, in over a decade of formation in school. Hopefully, St. Theresa’s, with its well-crafted curriculum, continues to ensure that the diamond in the rough it believes exists in each student it welcomes every schoolyear is revealed, although each diamond isn’t the exact same one as the next. Every time I gather with classmates, it becomes clearer to me that, after high school in adulthood, it has been up to us to determine our value with our own cut, color, clarity, carat. Not everyone could be a concert pianist, a Miss Universe, a business tycoon, a literary star, a prima ballerina. Not all jewelry is for public viewing. There are those who are medical front-liners, teachers, stay-at-home mothers, social workers, clerks, real estate brokers who are diamonds within their worlds. I have no doubt that the most brilliant among them are Theresians.”

--

Watch Pamilya Talk on FacebookYouTube and Kumu (@JingCastaneda – 12:00 noon – 1:00 p.m. Monday & Wednesday). You can also follow my social media accounts:  InstagramFacebookYouTubeTiktokTwitter and Kumu.  Please share your stories or suggest topics at [email protected].

ST. THERESA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with