EDITORYAL - Hindi na natuto

kampanya ng DOH para huwag nang gumamit na paputok. Ipinakikita na nila ang mga kagamitan para sa mga nabiktima ng paputok kabilang ang lagari para ipamputol sa bahagi ng katawan na nasabugan. Mayroon ding iba pang mga matatalas na gamit na makaka-discourage sa makakakita at hindi na gugustuhin pang masugatan sa pagpaputok.

Pero sa kabila ng kampanya at mga paalala, marami pa rin ang nagpapaputok. Wala pa ring kadala-dala. Kahit bawal ang pagpapaputok, hindi sumusunod sa batas.

Kahapon, ayon sa TV report, dagsa ang mga tao sa Bocaue, Bulacan para bumili ng paputok. Ang iba, madaling araw pa pumila para makabili. Mas nakakamura raw ang pagbili sa Bocaue. Ayon sa mga bumibili ng paputok, nakaugalian na raw nilang magpaputok sa New year. Hindi raw kumpleto ang New Year kung walang paputok kaya pinagsisikapan nilang makabili nito kahit pa nga malayo ang Bocaue.

Muli namang nagpaalala ang DOH kahapon na mag-ingat sa pagpapaputok. Ito ay kasabay sa naiulat na 25 katao ang nasabugan dahil sa paggamit ng mga ipinagbabawal na paputok.

Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na limang katao ang nagtamo ng pinsala dahil sa paggamit ng paputok noong Disyembre 26 hanggang 27. Umabot na  umano sa 25 ang nasugatan. Noong naka­raang taon daw sa kaparehong period, 22 ang napu­tukan. Ang mga kaso ngayon ay 14 percent na mas mataas kaysa noong nakaraang taon.

Marami pa rin ang hindi natututo at nagkakaroon ng leksiyon. Sa kabila na marami nang naputulan ng daliri at kamay, nabulag, nasunog ang katawan dahil sa paggamit ng paputok, wala pa ring kadala-dala. Patuloy pa rin ang paggamit ng mga pinagbabawal na paputok at tila wala nang pag-iingat sa sarili. Basta masunod ang tradisyon, sige pa rin sa pagpapaputok.

Hindi lamang ang pagkapinsala sa katawan ang dulot ng pagpapaputok kundi ito rin ang pinagmumulan ng sunog. Dahil sa mga pinakawawalang kuwitis na buma­bagsak sa mga bubong ng bahay, dito nagsisimula ang sunog.

Higpitan pa ng PNP ang pag-iinspeksiyon sa mga tindahan ng paputok at baka mayroong nakatago na kabilang sa mga pinagbabawal. Kumpiskahin ang mga ito. Siguruhin lang na hindi naman ire-recycle ng mga  pulis ang nakumpiskang mga paputok.

Show comments