^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kumpiskahin mga ilegal na paputok

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Kumpiskahin mga ilegal na paputok

Mababa ang bilang ng mga napuputukan nga­yon hindi katulad ng mga nakaraang taon na marami ang naputukan sa katulad na panahon. Ayon sa Department of Health (DOH), inaasahan nila na bababa pa ang bilang ng mga napuputukan. Nagpapaalala ang DOH na umiwas ang mamamayan sa mga mapanganib na paputok. Bantayan ang mga bata sapagkat ang mga ito ang lagi nang napapahamak. Kadalasan, dinadampot ng mga bata ang hindi pumutok na rebentador at piccolo. Pagdampot ay saka naman ito pumuputok at ang resulta, lasog ang daliri. Mayroon ding tinatamaan sa mata na nagiging dahilan nang pagkabulag. Mahalagang masubaybayan ang mga bata upang hindi mapahamak sa mga mapanganib na paputok.

Sabi ng Philippine National Police (PNP) mahigpit nilang binabantayan ang mga lugar na nagkakaroon ng bentahan ng mga ilegal na paputok. Ayon kay PNP chief General Rodolfo Azurin, maraming pulis ang nakakalat at iniinspeksiyon ang mga ibi­ni­bentang paputok at baka mayroong mga ipinagba­bawal sa mga ito.

Sa ipinalabas na kautusan, mahigpit na ipinagbabawal ang mga paputok na gaya ng sawa, Judas Belt, Goodbye Philippines, piccolo, boga at iba pa nakapipinsala. Ayon sa PNP, may kaparusahan ang sinumang mahuhulihan ng mga nabanggit na pa­putok. Hinihikayat ng PNP ang mamamayan na umi­was sa mga mapaminsalang paputok.

Mababa pa ang naitatalang nasusugatan sa paputok pero maaaring tumaas ito habang papalapit ang Bagong Taon. Maaaring hindi pa ginagamit ang mga patagong biniling paputok at sa mismong Bagong Taon sisindihan. Dapat dagdagan pa ang pagpapatrulya ng PNP upang mapigilan ang patagong bentahan. Umano para hindi mahuli, online ang transaction. At meron pang dinideliber umano sa bahay makaraang umorder. Paigtingin pa ng PNP ang pagmamanman sa bentahan ng paputok.

DOH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with