^

PSN Opinyon

EDITORYAL - ‘Bahag ang buntot’ versus drug war?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - ‘Bahag ang buntot’ versus drug war?

Malamya ang kasalukuyang administrasyon sa pakikitungo sa sindikato ng illegal drugs. Totoong maraming nakukumpiskang shabu—mayroong 1-tonelada na nagkakahalaga ng bilyong piso. Halos araw-araw may natitimbog na drug traffickers at mga maliliit na tulak, pero ang nakapagtataka ay walang malalaking tao o miyembro ng sindikato. Saan nanggagaling ang shabu at hindi ito maubus-ubos? Nire-recycle? Paikut-ikot lang ang shabu at patuloy na ibinibenta sa kalye. Pagkatapos ibenta, aarestuhin ang nagtulak at kukumpiskahin muli ang shabu. Hindi matapus-tapos ang bentahan at lalo pang lumalala.

Dahil sa nangyayaring paglubha ng drug problem sa bansa, nagkomento si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na masyado umanong malambot ang pamahalaan sa kampanya laban sa illegal na droga. Hindi umano maramdaman ang kagat laban sa drug syndicates. Si Dela Rosa ang hepe ng Philippine National Police (PNP) nang ilunsad ng Duterte administration ang madugong kampanya laban sa drug traffickers. Siya ang nag-implement ng “Oplan Tokhang” na nagresulta sa pagkakaaresto ng drug traffickers at maski drug ­users. Ayon kay Dela Rosa, ngayong wala na ang Duterte administration naglutangan muli ang drug syndicates at hindi na natatakot kaya dagsa ang shabu.

Maaaring may punto si Dela Rosa na sabihing malambot ang kasalukuyang administrasyon sapagkat maski ang ilang drug enforcers ay nasasangkot sa bentahan ng shabu. Gaya nang naarestong PDEA official at dalawang agents sa Taguig noong nakaraang linggo. Nahulihan ng 1-kilong shabu na nagkakahalaga ng P9-milyon ang mga taga-PDEA makaraan ang buy-bust operation. Bukod sa PDEA, isang pulis naman mula sa MPD ang nahulihan ng 1-toneladang shabu na bilyong piso ang halaga.

Idinepensa naman ni DILG Sec. Benhur Abalos ang maigting na kampanya ng Marcos administration laban sa illegal drugs. Hindi lamang umano drug traffickers ang nalalambat ng mga operatiba kundi pati protector nito. Ayon pa kay Abalos, mula nang manungkulan ang administrasyon noong Hulyo, P10 bilyong halaga ng illegal drugs ang nakumpiska.

Ipakita ng pamahalaan na hindi “bahag ang buntot” sa giyera laban sa drug traffickers. Isa rin sa dapat gawin ng pamahalaan, sirain na agad ang nakukumpiskang shabu para hindi na ma-recycle ng mga scalawags sa drug enforcement unit gaya nang ginagawa umano ng mga naarestong PDEA official at agents.

DRUG WAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with