^

PSN Opinyon

PhilHealth dapat suportahan ng mamamayan

AKSYON NGAYON - AL G. Pedoroche - Pilipino Star Ngayon

Kung nais pa nating maging matatag ang ating National Health Insurance Program, kailangan iwasan nating­ maging delinkuwente sa pagbabayad ng ating kontri­busyon­. Sa ganitong paraaan, hindi lamang sarili natin ang natu­tulungan kundi pati na yaong mga kapus-palad na mama­mayang walang kinikita.

Ang operasyon ng PhilHealth ay nakasandal sa prinsipiyo ng “social solidarity” upang patuloy na makapag­lingkod sa taumbayan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng medical care benefits, higit lalu sa mga mahihirap na mamamayan. Dapat nating unawain ang kahulugan ng social solidarity.

Sa kahulugang pamilyar at nauunawaan na natin, ito ay ang tinatawag na “Bayanihan.” Bawat mamamayan ay nagkakaisa at nagtutulungan sa pagtataguyod ng mithiing makapagbigay ng medical service sa bawat Pilipino. Ito ay sa pamamagitan ng ating mga kontribusyon.

May mga sektor na hindi na pinagbabayad ng kontri­busyon at tayong mga may kakayahan pang magtrabaho­ o may sapat na income, ay kasama ng gobyerno na tumu­tulong sa nabanggit na sektor.

Ang sektor na tinutukoy ko ay yung mga talagang nag­darahop at hindi makapaghanapbuhay dahil sa kapan­sanan at mga senior citizens. Kaya ipinaiiral natin dito ang diwa ng bayanihan o pagtutulungan na bahagi ng ating kulturang tunay na maipagmamalaki natin.

Layunin kasi ng Republic Act 7875 na tiyakin na ang bawat Pilipino, mayaman man o pinakamaralita ay mabig­yan ng de-kalikad na serbisyong medikal sa pama­magitan ng social health insurance.

Lalo pang pinalakas ang mandatong ito ng batas Universal Health Care o UHC na sumasakop sa lahat ng 110 milyong Pilipino. Ang mga serbisyong nabanggit ko ay maisusulong lamang sa pamamagitan ng kontribusyon ng mga kasapi at mula sa subsidiya ng pambansang pamahalaan.

PHILHEALTH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with