^

PSN Opinyon

Hamon sa mga obispo: ibalik ang tao sa Misa

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MALAKING hamon sa Simbahang Katoliko kung paano ibabalik ang mga deboto sa pisikal na Misa. Nasanay na sila sa online Mass nu’ng pandemya, pero hindi pa rin duma­dalo sa simbahan ngayong humupa na ang CO­VID-19. Hinaing ‘yan ni Fr. Aris Sison, cura ng St. John Paul II Parish, Quezon City.

Taliwas ang pananaw nina Fr. Douglas Badong, Quiapo Church vicar at Fr. Jerome Secillano, Catholic Bishops’ Conference of the Philippines executive director. Mas mahirap daw pasalihin ang tao sa Misa online man o aktuwal. Pero nagkakaisa ang tatlo na naging daan ng family bon­ding ang online mass nitong 21/2 taon. Salita ng Diyos sa online ang pinaghalawan ng deboto ng inspirasyon sa gitna ng takot.

Tungkulin ng mga obispo ipabatid ang kahalagahan ng sampalataya. Maraming nawalan ng tiwala nang magtahimik ang CBCP sa panlalait ni President Rody Duterte sa Diyos at doktrinang Katoliko nu’ng 2016-2022. Isang dosena lang sa 128 na obispo ang tumuligsa sa pagpatay ng 7,000 suspected pushers sa madugong drug war ni Duterte. Tameme ang CBCP sa kabastusan at pambubulaan ng maraming admin candidates nu’ng Halalan 2022.

Nu’ng pangulohan ni Gloria Macapagal Arroyo nabisto ang lima sa maraming obispong sinuhulan ng Malacañang ng Pajero para maging maka-admin. Marurupok sila. Nu’ng pangulohan ni Noynoy Aquino pinagtulungan ng mga obispo siraan ang Reproductive Health bill; kesyo raw abortion ang contraception, at tuturuan magtalik ang mga 4th graders. Lumabas ang totoo nu’ng pangulohan ni Duterte; duwag ang mga obispo kapag nakatapat ng bully.

Mas pinoproblema ng maraming obispo ang pagbagsak ng koleksiyon ng diocese kaysa pananampalataya. Oo nga’t tungkulin nila mangalap at mag-audit ng pondo, pero mas mahalaga ang pagpastol sa tao. Nalulungkot si “running priest” Fr. Robert Reyes, cura ng Immaculate Conception Parish, QC, na nagkukulang ang mga obispo sa gan’ung misyon.

Magbabalik-loob ang tao kung mabisa ang pamumuno ng CBCP.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

MISA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with