^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Malupit na kamatayan sa Bilibid

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Malupit na kamatayan sa Bilibid

Parang libingan na rin ang New Bilibid Prison (NBP)—libingan nga lang ng mga buhay. Pero sabi ng mga bilanggo roon, para na rin silang mga patay dahil sa mahirap na sitwasyon ng kanilang buhay sa loob. Mahirap ang nasa loob sapagkat marami sa mga bilanggo ang hindi na dinadalaw ng kanilang mga mahal sa buhay. Marami sa mga bilanggo o ang mga tinatawag na persons deprived of liberty (PDLs) ang kinalimutan na ng kanilang mga kaanak. Mayroon umanong mga bilanggo na itinalaga na ang nalalabing buhay sa loob at ayaw na ring lumaya sapagkat wala na rin namang uuwiang pamilya. Kaya mas gugustuhin pa nilang manatili sa loob at doon hintayin ang “paglubog ng araw”.

Maraming matandang bilanggo ang inabutan na ng kamatayan sa loob ang hindi na nadalaw ng kanilang mga kaanak. Sa loob nang mahabang panahon na nakakulong ay hindi na nakita ni anino ng mga mahal sa buhay. Masakit at malungkot na kamatayan sa Bilibid. Karaniwang pagkakasakit ang ikinamamatay ng mga bilanggo. Nang manalasa ang COVID-19, maraming bilanggo umano ang tinamaan ng sakit at namatay subalit hindi na nalaman ang totoong dami. Sinunog na ang kanilang bangkay. Hindi nabatid kung nalaman pa ito ng kanilang kaanak.

Mas masakit naman kung ang kamatayan ng bilanggo ay dahil sa kagagawan ng kapwa bilanggo gaya nang nangyari kay Jun Villamor na “middleman’’ sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid. Si Villamor ang kumontak sa gunman na si Joel Esco­rial. Pinatay si Villamor makaraang lagyan ng supot sa ulo ng mga lider ng gang sa utos umano ng mas­­termind sa Lapid slay. Naubusan ng hangin si Villamor at ilang minuto lamang ay patay na. Pero bago pinatay, sinabi nito kung sino ang nag-utos para patayin ang mamamahayag.

Dahil sa patayang nangyari sa Bilibid, nabulgar­ na marami palang bilanggo ang namamatay at nasa isang funeral homes sa Muntinlupa. Ayon sa report, 176 na bangkay ang nasa funeral homes at hindi kinukuha ng mga kaanak. Hindi naman na nabatid ang kanilang ikinamatay. Sa loob umano ng isang buwan 60 bangkay ang dinadala sa punerarya.

Sa mga nangyayaring ito sa Bilibid, iisa ang lumalabas—masakit at malupit ang mamatay sa nasabing bilangguan.

NBP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with