Umiiyak sina Gent Lastimoso at Frank Uy, mga authorized agents’ ng Small Town Lottery sa Albay dahil hindi tumataas ang kanilang kubransa. Kapag nagkataon, malulugi ang STL nina Lastimoso at Uy sapagkat kakapusin sila ng pambayad sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa kanilang General Monthly Retail Receipt (GMRR). Halos ilang linggo na kasing nag-ooperate ang Royal Fortune nina Lastimoso at Uy subalit halos hindi maabot sa P2 milyon ang kanilang ingreso kada araw. Araguuyyyyy! Sa anong kadahilanan? Hehehe!
Ganito po ‘yun! Bino-bookies ng mga alipores ni Albay Gov. Noel Rosal ang kubransa sa STL. In short, jueteng ang palaro ng mga bataan ni Rosal, di ba kosang Jun Alegre Sir? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Sobrang tuwa nina Lastimoso at Uy, na isang fishing magnate, nang payagan sila ni Rosal na magsimulang mag-operate ng STL na Royal Fortune sa Albay. Kasi nga, nagkabanatan pa sa korte ang magkabilang grupo hanggang umatras si Rosal sa takot na paulit-ulit na mababanggit ang kanyang kaso sa Commission on Elections (Comelec). Sa unang linggo ng operation ng Royal Fortune, hindi inalintana nina Lastimoso at Uy ang maliit nilang kubransa sa pagbakasakaling tataas din ito.
Subalit makalipas ng tatlong linggo, abayyyyy nag-stay put lang ang kanilang kubransa at dito na nagsimulang mag-alala sina Lastimoso at Uy. Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Ang sobrang saya ng mukha nina Lastimoso at Uy ay napalitan ng pag-alala. Dipugaaaaa! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Hindi naman kaila kina Lastimoso at Uy na ang palaro sa Albay mula pa noong panahon ni ex-Gov. Al Francis Bichara ay jueteng, na nakapaloob sa Peryahan ng Bayan (PnB). Ang may mando sa PnB noong panahon ni Bichara ay si Kap Nemo, ng Daraga, Albay. Tahimik ang kalakaran noong panahon ni Bichara. Subalit nang palitan si Bichara ni Rosal, kinuha niyang bangka si Tony Kho ng Masbate at itinuloy lang ang jueteng. Subalit nang pumasok ang STL nina Lastimoso at Uy, nawalis si Kho kaya lang, naiwan ang mga alipores niyang kabo at kubrador. Siyempre, ang loyalty ng mga kabo at kubrador ay sa jueteng. Kaya hindi nagtataka ang mga kosa ko ng i-bookies ng bataan ni Rosal ang STL at sila ang sinamahan ng kabo at kubrador. Araguuyyyyy! Ang namamahala sa bookies ng STL, ayon sa mga kosa ko, ay si Kap. Glenn Orisco, ng Bgy. Rawis, Tabaco. Eh di wow! Hak hak hak! Weder-weder lang ‘yan! Dipugaaaaa!
Teka nga pala! Bakit pinanonood lang ni Bicol police director Brig. Gen. Rudolfh Dimas ang bookies ni Orisco? Kung ang mga kidnaper nga, kahit magaling magtago eh nahuhuli ni Dimas subalit ang bookies ng STL na naglilibot lang sa kalye, hindi niya mahagilap? Tsk Tsk Tsk! Wala namang magagawa ang PCSO sa bookies ng mga alipores ni Rosal dahil wala silang police powers, di ba mga kosa? Hala kilos na Gen. Dimas Sir! ‘Wag mo nang antayin na tamaan ka ng kidlat ni PNP chief Gen. Junaz Azurin! Dipugaaaaa! Abangan!