^

PSN Opinyon

Makati, 1 sa 10 pinakaligtas na lungsod sa bansa

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

BUKOD sa masiglang ekonomiya at best of the best na social at health services, prayoridad din namin ang kaligtasan at seguridad ng bawat Makatizen.

Mula sa ating mga residente, empleyado, mga investor, at bisita, tinitiyak ng pamahalaang lungsod na ligtas ang mga establisimento at lugar na pinupuntahan nila sa araw-araw. Paglubog ng araw ay doble ang pagbabantay ng ating kapulisan para masigurong safe ang mga kalsada at ang mga tahanan habang ang lahat ay namamahinga. Sa katunayan, nanguna ang Makati City Police sa performance evaluation ng Southern Police District kamakailan matapos maka-score ng 92.78 percent dahil sa mahusay na pagpapatupad ng PNP programs.

Kaya naman proud na proud ako nang i-announce ng sikat na travel website na Travel Safe-Abroad.com na #6 ang Makati sa kanilang listahan ng pinakaligtas na mga siyudad sa buong bansa para sa mga turista. Naging batayan nila ang mababang crime index natin na 39.55 lamang out of 100. Ibig sabihin nito, safe ang Makati. Kahilera natin ang Dumaguete at Iloilo na hinirang din na safe cities.

Hindi rin nagpapahuli ang ibang departamento sa pagpapanatili ng kaligtasan at kaayusan sa Makati. Kamakailan, binigyan ng Bureau of Fire Protection-National Capital Region ng parangal ang Makati City Fire Station bilang best performing city fire station. Isa itong pagkilala sa kasipagan at pagiging alerto ng ating mga bumbero. Hindi lang sila sa Makati rumeresponde kundi pati sa mga kalapit lugar na humihingi ng tulong kapag may sunog.

***

Back-to-back at jam-packed naman ang schedule namin sa City Hall dahil marami tayong naging bisita nitong nakaraang linggo. Katulad ng nabanggit ko kanina na safe na safe ang Makati para sa mga turista at foreign investors, patuloy na dumadagsa ang mga kaibigan natin na gustong magtayo ng negosyo at makipag-partner sa lungsod para sa ating mga proyekto. Bumisita ang mga kinatawan ng United Kingdom at Northern Ireland upang makipagtulungan sa ating mga climate action plans. Pagkatapos nito, nagkaroon muli ng National Day celebration kasama ang Czech Republic, China, Germany, Nigeria, Palau, Spain, at Turkey. 

Marami tayong dapat ipagpasalamat sa mga kaibigang bansa dahil sa kanilang ipinahahatid na mga tulong at ­programang pangnegosyo, edukasyon, at karagdagang trabaho para sa Makatizens. Napakahalaga ng magandang relasyon sa pagitan ng investors at negosyante mula sa loob at labas ng bansa at ng ating pamahalaang lungsod. Noong nakaraang meeting ng Makati Business Club sa City Hall, patuloy na pinag-usapan kung paano mas mapapaganda ang “ease of doing business” natin sa Makati.

Ginagawa namin ito para mas makahikayat ng mga bagong investors na magpapalakas ng ating ekonomiya at magbibigay ng karagdagang trabaho para sa mas maraming indibidwal. Ang pagiging ligtas ng ating lungsod ay ating nilalakipan ng efficient at good governance at mga solid na programa para patuloy tayong pagtiwalaan ng pribadong sektor at ng ating mga nasasakupan.

HEALTH SERVICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with