^

PSN Opinyon

DENR, inutil sa mga itinatayong istruktura sa beach sa La Union

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Ang kagandahan ng beach sa Bgy. Pugo, Bauang, La Union ay niyurakan na ng walang habas na pagtatayo ng mga istrukturang permanente at pangnegosyo bilang beach house for rent.

Mahigit isang taon nang idinudulog sa pamahalaang bayan ng Bauang, PENRO-La Union at DENR Region 1 ang ilegal na pag-okupa sa nasabing public land na tinayuan ng pitong konkretong istruktura.  Itinuring na ng mga nangamkam ang beach na pribadong pagmamay-ari.

Ang karima-rimarim— bulag, pipi at bingi ang mga kinauukulan sa pagyurak sa beach lalo na ang DENR na naatasang mangalaga at magprotekta sa kalikasan.

Dati’y ini-enjoy ng lahat ang beach, ngunit ngayo’y ng iilan na lamang.  Ang masama pa, pinagkakakitaan pa ang mga ito.

Ang DENR ang ahensyang naatasang tagapangalaga ng lahat ng public lands sa buong bansa.  Ito ang may mandatong mag-aruga sa kalikasan at ipagtanggol sa anumang kalapastangan.

Ngunit kung ang basehan ay ang kakulangan sa paggampan sa tungkulin o tuwirang kawalang aksyon sa nangyayaring paglapastangan sa kalikasan sa Bgy. Pugo, masasabing tinalikuran na ng DENR Region 1 ang mandato nito.

Napiringan at natakpan na ang pandinig nito sa daing ng kalikasan at ng mamamayang nakakasaksi sa pambubusabos sa beach.

Sa katunayan,  itinatayo na naman ang pangwalong istruktura roon at tiyak may karagdagan pa sa mga susunod na araw.

Inaasahan ang agarang aksyon mula kay DENR Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga sa suliraning ito dahil  “bawat minuto’y mahalaga” sa pangangalaga ng kalikasan.

Hihintayin pa bang si PBBM ang kakastigo sa mga pabaya, nagbubulag-bulagan at nagbibingihang opisyal at kawani?

Kung ngayon ang naniningil sa kainutilan ay mga saksi sa pambubusabos sa beach sa Pugo,  hintayin nilang kalikasan mismo ang maningil sa kanila!

* * *

Para sa suhestiyon:  [email protected]

PUGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with