^

PSN Opinyon

Malayo sa malaya

K KA LNG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Kapag may kumatok sa bahay mo at nagpakilalang pulis na hindi naman naka-uniporme, matutuwa ka ba o kakabahan? Sigurado ako na hindi ka matutuwa. Bakit hindi naka-uniporme hindi ba? Ano ang pakay at pupuntahan ka nang ganyan? Ito ang naging malaking isyu ng “bisitahin” ng mga nagpakilalang pulis ang ilang mamamahayag ilang araw lang matapos mangyari ang pagpaslang kay Percy Lapid.

Ayon sa NCRPO, pinuntahan ng mga pulis ang mga mamamahayag para malaman kung may banta sa kanilang buhay. Nagpaliwanag na para sa seguridad ng mga mamamahayag matapos nga ang pagpatay kay Lapid. Pero hindi maganda ang dating ng mga pagbisitang ito. Ang basa nang marami ay tila pananakot o harassment ang nangyari, dahil na rin sa imahe ng PNP na hindi pa rin maayus-ayos. Ipinareho nga ni Albay Rep. Edcel Lagman sa Oplan Tokhang noong mga unang linggo ng administrasyon ni dating President Duterte. Hindi maganda ang kinahinatnan ng Oplan Tokhang na ‘yan.

Lumabas din na alam ng PNP kung saan nakatira ang mga mamamahayag. Bakit nila alam? Sadyang inalam ba kung saan nakatira ang lahat ng mamamahayag, lalo na mga kritikal sa gobyerno? Ito ang mga tanong na nais ilabas kung magkakaroon ng imbestigasyon sa nangyaring­ pagbibisita. Humingi na ng paumanhin si NCRPO chief Brig. Gen. Jonnel Estomo sa pagbisita. Nag-utos na ng imbestigasyon si PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. dahil wala namang utos mula sa mga opisyal ng PNP na gawin ang pagbibisita. Dapat lang magkaroon ng imbestigasyon. Bu­ma­balik na naman ba tayo sa mistulang pananakot sa media mula sa pulis?

Ang Pilipinas ay pampitong peligrosong bansa para sa mamamahayag ayon sa 2020 Global Impunity Index. Hindi ito puwedeng ipagmalaki. Sinasabi na malaya ang media ngayon. Pero kung malaya, bakit may napapatay pa? Nagpapahiwatig lang na kung kritikal ka sa isang tao o sa gobyerno, puwedeng malagay na sa peligro ang buhay mo. Malaya ba ang ganyan?

OPLAN TOKHANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with