^

PSN Opinyon

Regalong pamasko na tatak Filipino

KasamBuhay - Jing Castañeda - Philstar.com
Regalong pamasko na tatak Filipino
May branches ang ATE by Tatah sa Cebu at sa Quezon City.

“Ber” months na ulit. Malamang nagsisimula na kayong maghanap o bumili ng mga panregalo ngayong Pasko. Isang magandang pagkakataon ito upang tulungan ang mga negosyanteng Pinoy na makabawi sa hirap na dulot ng pandemya. 

Kung nag-iisip kayong magregalo ng damit para sa inyong sa mga babaeng kamag-anak o kaibigan, ang isang “proudly Filipino” brand na pwede ninyong suportahan ay ang ATE by Tatah. Matagal na akong suki ng boutique na ito. Gusto ko ang kanilang mga damit na simple kung tingnan pero napaka-versatile. Maaaring isuot sa iba’t ibang lugar at okasyon, kaya sulit ang presyo. 

Sinimulan ni Tatah Costales Dela Calzada, isang Cebuana, ang ATE by Tatah walong taon na ang nakararaan. Pinili nya ang ATE dahil pamilyar itong salita sa maraming Pilipino. Ginagamit natin itong pantawag hindi lang sa kapatid nating babae kundi sa kahit na sinong nakakatandang babae bilang respeto at paggalang. Ito rin kasi ay kombinasyon ng mga letra ng pangalan nina Tatah, ng kanyang asawa, at anak (Ayj, Tatah, and Edgar). Nang lumaon, nagkaroon ito ng iba pang kahulugan—“Altered To Enhance” (binago upang pagandahin)—dahil kaya nilang ayusin o iangkop ang mga estilo o lapat ng kanilang mga disenyo sa hubog ng katawan ng kanilang kliyente. 

“Kasi hindi lahat ng kasya sa iyo ay bagay din,” sabi ni Tata. May punto siya. Marami sa ating mga kababaihan ay hindi naman perpekto ang hubog ng katawan, o meron tayong “flaws” na gustong itago. 

Sa isang panayam sa Pamilya Talk, ibinahagi ni Tatah na ang ATE by Tatah ay kanyang post-retirement venture. Bagama’t mahilig na siya sa pagnenegosyo sa murang edad pa lamang, nagtrabaho pa rin siya ng full-time sa mundo ng corporate nang maraming taon. Kaya’t nang nagkaroon na siya ng oras noong siya ay magretiro na, napagdesisyunan niyang mag-aral sa Fashion Institute of Technology sa New York. 

“Hindi ko naisip maging designer kasi hindi naman ako marunong gumuhit,” sabi niya.  Noong nag-aaral na siya sa New York, nabanggit niya ito sa kanyang guro. Sinabihan siya nito na maraming mga malalaking designer ang hindi marunong gumuhit. Sabi pa nito, ang mahalaga lamang ay makaguhit siya upang masabi niya sa kanyang mga tauhan sa produksyon ang mga gusto niyang mangyari. “Huwag ko na daw sabihin ulit na hindi ako designer. Hindi ibig sabihin na dahil di ka marunong gumuhit ay hindi ka na designer. Kung meron kang naiisip para sa isang disenyo, ay isa kang designer,” sabi ng kanyang guro.  Tinandaan niya ang leksyong iyon. 

Tatah Costales Dela Calzada: “Huwag matakot magnegosyo. Maraming tutulong sa iyo.”

Dahil retirement fund ang gagamitin niyang pera upang itayo ang kanyang negosyo, pinili niyang hindi agad sumugal nang malaki. Nagpatayo siya ng maliit na patahian sa kanyang bahay para mapanatiling mababa ang gastusin. Meron siyang tagatabas at tagatahi. Ang una niyang mga kliyente ay mga kapamilya at kaibigan. Isang paraan din ito “to test the market,” ika nga. Hinihingan niya sila ng opinion kung paano niya pa mapapaganda ang mga produkto niya. 
Gaya ng pangkaraniwang nararanasan ng mga negosyante, marami din siyang naranasang kabiguan. May panahon na pinirata ng ibang kumpanya ang kanyang mga tauhan. Dahil dito, nagkaroon siya ng takot na kumuha ng mga empleyado. “Nananakaw lang ng iba ang aking mga ideya,” sabi niya. Dahil dito, naisipan ni Tatah na gawin na lamang niyang mag-isa ang mga trabaho sa patahian. Subalit naging hadlang naman ito
upang palakihin pa niya ang kanyang negosyo.

Kaya’t lubos ang pasasalamat ni Tatah sa Kapatid Mentor Me Program (KMME) ng Department of Trade and Industry and Philippine Center for Entrepreneurship (PCE). Ang dami nyang natutunan sa programang ito tulad ng brand marketing, positioning, at professionalizing. Napagtanto niya na hindi pwedeng siya lamang mag-isa ang gagawa. “Ang itinuturo sa programang ito, hindi lang pera ang dapat iisipin, kundi ang kabuuan ng ekonomiya,” ibinahagi niya. Tinuruan siya ng programang ito upang palaguin ang kanyang negosyo.

“Noong nag-iisip ako ng pangalan, napagdesisyunan kong gamitin pa rin ang ATE. At parang hulog naman ng langit kasi sakto ang konseptong naisip namin na ‘altered to enhance.’ Kaya di na namin kinailangang baguhin pa ang brand name,” sabi ni Tatah.

Sabi ng stylist and co-owner ng ATE by Tatah na si Charyzah Costales Esparrago, pinagtutuunan nila ng pansin ngayon ang ready-to-wear fashion.   Ngunit nag-aalok pa din sila same-day alterations upang matugunan ang mas maraming kliyente. “Tatak ATE pa rin ang hulma at itsura, ngunit pwede mong dagdagan ng sarili mong disenyo. Pwede mong gawing mas cute o sexy,” sabi ni ni Charyzah.   Maaari ring kumonsulta sa kanilang in-house stylist upang ayusin ang laki o estilo ng isang damit. “Ang layunin namin dito ay makapagsuot ang aming kliyente ng talagang bagay sa kanya,” dagdag niya. 

Maraming mapagpipiliang damit sa ATE by Tatah – may mini, midi at maxi dresses na bagay sa iba’t ibang okasyon at masarap ding ternuhan ng accessories. Mayroong pang opisina at meron ding pang eskuwela. Mayroong pambahay at meron ding panlakad. Meron din silang damit pangkasal sa ilalim ng brand na ATE Formal. “Pwedeng parehong kulay ng damit ng entourage ngunit iba ang tabas at estilo,” mungkahi ni Charyzah.

With the co-owners of ATE by Tatah: Standing – Dra. Lenlen Costales Balisi (left), Charyzah Costales Esparrago (right), and Alma Costales (seated, right).

Mayroon na rin silang mga kliyente mula sa ibang bansa, sabi ng operations manager at co-owner na si Alma Costales. Ang totoo nga niyan, noong ginawa namin ang panayam na ito, tinatapos nila ang orders na ipadadala sa New York at Los Angeles.

Upang makatulong sa pagbawas ng basura at tugunan ang climate change, naisipan din ng ATE by Tatah na magdisenyo ng mga sapatos at bags mula sa retaso o scrap textile. “Sa ganitong paraan, hindi mo lang binibigyan ng pagmamahal ang mga taong bibigyan mo ng regalong ito, ikaw din ay nagbibigay pagmamahal sa Inang Kalikasan,” sabi ni Charyzah.

Sa mga nais magsimula ng negosyo, payo ni Tatah, kailangan lang ng kumpiyansa sa sarili at pagsisikap. “Huwag kang matakot mag-eksperimento,” sabi niya. “Huwag matakot humingi ng tulong mula sa pamilya at kaibigan, at maging sa gobyerno. Maraming ahensya ang ating gobyerno na maaring tumulong sa negosyo mo—sa paghanap ng customer at finance agencies. Lakas lang ng loob. If nakaya ni Ate Tatah, kaya mo din.”

Ang kwento ni Tatah ay patunay na walang tama o maling oras upang makamit mo ang iyong pangarap. Pwede mo itong gawin bata ka man o matanda. Kaya huwag kang mag-alala kung hindi mo pa nakakamit ang mga gusto mong mangyari sa buhay. Patuloy mo lang itong pagsikapan at pagtrabahuhan. Samahan mo ng sipag, determinasyon, at dasal. Wala sa edad ang tagumpay. Iyan ay nasa iyong mga kamay.

 

--

Watch Pamilya Talk on FacebookYouTube and Kumu (@JingCastaneda – 12:00 noon – 1:00 p.m. Monday & Wednesday). You can also follow my social media accounts:  InstagramFacebookYouTubeTiktokTwitter and Kumu.  Please share your stories or suggest topics at [email protected].

CHRISTMAS

GIFTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with