^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mga batang pulubi dumarami!

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Mga batang pulubi dumarami!

NOONG nakaraang buwan, nagsagawa ng pag­lilinis sa lansangan ang Department of Social Welfare Development (DSWD) sa mga batang namamalimos sa kalye. Hinuli ang mga batang pulubi at maski ang mga matatandang namamalimos. Iglap na nawala ang mga batang sumasampa sa mga dyipni at nag-aabot sa mga pasahero ng libaging sobre. Ang ibang bata, kakatukin ang mga bintana ng kotse at manghihingi ng limos. Ang iba, pupunasan ang salamin ng kotse at saka ilalahad ang mga kamay. Kung anu-ano pa ang ginagawa ng mga batang pulubi para makahingi ng limos sa mga motorista.

Saglit lang nawala ang mga batang namama­limos at ngayon ay nagsibalikan na naman sa kal­sada. Karaniwang mga batang Badjao ang nama­malimos sa kalye at naglalambitin sa dyipni. Lubhang delikado sapagkat maari silang mahulog o kaya’y masagasaan. Kasalanan pa ng driver ng dyipni kapag nangyari ito. Ang driver pa ang makukulong at magdurusa.

Hindi lamang ang mga batang pulubi ang namumulaklak sa kalsada kundi pati na rin ang mga tinatawag na “batang hamog” na nambibiktima ng mga truck driver. Sa Road 10, Tondo, maraming­ batang hamog ang umaakyat sa mga truck at nina­nakaw ang mga gamit at iba pang pakikinabangan. Kinukulimbat ang battery, tool box, at iba pang gamit. Walang kamalay-malay ang truck driver na nalimas na ang kanyang gamit.

Nagsisibalikan ang mga batang pulubi sa kalye at inaasahang darami pa habang papalapit ang Pasko. Nararapat na magsagawa pa ng puspusang paghuli ang DSWD sa mga batang pulubi at ganundin sa mga “batang hamog”.

Gawing regular ang paghuli sa mga batang pulubi at ilagay sa pasilidad kung saan ay magi­ging maayos ang kanilang kalagayan. Gawing pus­pusan ang pag-monitor sa mga kalye na tambayan ng mga batang pulubi.

DSWD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with