^

PSN Opinyon

Pagpupugay sa mga guro

QC ASENSO - Joy G. Belmonte - Pilipino Star Ngayon

Ngayong araw, ipinagdiriwang natin ang World ­Teachers’ Day na siyang pagtatapos ng National Teachers Month na nagsimula noong Setyembre 5.

Kung tutuusin, kulang pa ang isang buwan para kila­lanin at bigyang pugay ang ating mga guro sa napakahalagang papel nila sa ating buhay, sa komunidad at sa lipunan.

Hindi rin sapat ang “thank you” para maipahayag namin ang aming pasasalamat sa walang pagod nilang pagtuturo sa ating mga anak at mahal sa buhay. Madalas, pati oras para sa kanilang sarili at pamilya ay naagaw na ng tungkulin sa bata at eskwelahan. Sila lang yata ang manggagawa na regular na nagtatrabaho hanggang gabi sa bahay para mag-check ng mga ipinasa ng kanilang mga estudyante o kaya naman ay lesson plan para sa susunod na araw.

Alam ng pamahalaang lungsod ang inyong mga pagsisikap at sakripisyo kaya patuloy ang aming pagkilos para mapagaan ang inyong buhay habang ginagampanan ang tungkuling maging tulay ng karunungan para sa mga batang QCitizen.

Bilang suporta sa 15,560 na mga guro mula sa 158 na pampublikong paaralan sa Quezon City, binibigyan natin sila ng P1,500 bilang buwanang allowance at P2,000 quarterly allowance.

Mayroon ding allowance na ibinibigay ang pamahalaang lungsod para sa ALS/Madrasah teachers na makatutulong sa araw-araw na gastusin sa bahay, lalo pa ngayong mataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Nakapagbigay na tayo ng 6,593 laptops sa mga guro sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa ating lungsod. Sinamahan na rin natin ito ng internet subscription at call cards na makatutulong sa kanilang pang-araw-araw na gawain.

Para naman matiyak ang kalusugan ng ating mga guro, mayroon din tayong taunang medical check-up para sa kanila.

NandIyan pa rin ang hamon na masigurong lahat ng batang QCitizen ay makakapag-aral. Mahirap man ito, ngunit tiwala ako na kaya itong matupad sa tulong ng buong pusong serbisyo at kooperasyon ng ating mga bayaning guro.

Sa ating mga guro, asahan ninyo na palaging nasa tabi ninyo ang pamahalaang lungsod ng Quezon City para alalayan kayo at ibigay ang inyong mga pangangailangan habang hinuhubog n’yo ang malakas, mas matalino, at mas maabilidad na kabataang QCitizen.

Maraming salamat, aming mga mahal na guro!

TEACHERS DAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with