^

PSN Opinyon

Kapit bisig

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Kahapon ay nanumpa na muli ang mga miyembro ng Gabinete na inabutan ng deadline sa Commission on Appointments (CoA). Dahil napagsarhan sila nang mag-recess ang Kongreso, tinuring na by-passed ang kanilang original appointments. Kinailangang isyuhan sila ng panibagong appointments upang maipagpatuloy ang trabaho sa kani-kanilang kagawaran.

Naka-recess man ang dalawang kamara ng Kongreso ayon sa takdang kalendaryo ng Lehislatura, patuloy pa rin ang paglingkod ng mga tauhan ng Ehekutibo na mga frontliner sa taong bayan. Ito ay sa pamamaraan ng ad-interim appointments. Sa mekanismong ito, ang Presidente ay awtorisadong magtalaga ng tao kahit pa wala sa sesyon ang mga mambabatas. Ito’y upang hindi makumpromiso o mabitin ang serbisyo  sa mamamayan. Sa muling pagbukas ng Kongreso sa Nobyembre, isasalang sila muli sa pagsuri ng CoA.

Ilan lang sila sa libu-libong posisyon na maaring punuan ng bagong administrasyon. Maliban sa mga appointments na tinakda ng Saligang Batas na daraan sa CoA, maaring makapamili ang Pangulo, ang kanyang mga Kalihim at iba pang mga pinuno ng ahensya ng magiging kaagapay sa paglingkod. Ang mga ito ay hindi hahanapan ng karagdagang pagsuri maliban sa kuwalipikasyon ng batas para sa puwesto.

Ilang araw na lamang ay aabot na tayo sa unang 100 days ng Pangulo. Sa mahigit na  tatlong buwan ng kanyang administrasyon, nagkaroon ang kanyang team ng mas malawak na pag-unawa ng pangangailangan ng mga sektor ng lipunan. Ang datos na ito ay pihadong mapapakinabangan sa pagpili ng kung sino at ilan pang mga tao ang tingin nila’y makatutulong sa kanila.

Marami sa ating mamamayan ang handang mag-alay ng oras at kaalaman upang magtagumpay ang administrasyon. Alam nating suportado ito ng pinakamalaking mayorya sa kasaysayan. Sa pagtapos ng tinatawag na honeymoon period, inaasahang mas maraming kababayan ang mahihikayat na makiisa sa pamahalaan sa pagpatupad ng mga pangako at programa sa bansa.

COA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with