^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Dapat kumilos ang BFAR!

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Dapat kumilos ang BFAR!

Hindi matanggap ni President Ferdinand Marcos Jr. na pati galunggong ay iniimport ng Pilipinas. Parang sa tono ng kanyang pananalita ay hiyang-hiya siya. Kasi nga naman, napapaligiran ng napakalawak na karagatan ang Pilipinas na mapapangisdaan subalit mag-iimport ng galunggong. Nakakahiya talaga ito. Madudukwang ang dagat pero ang kinakaing isda sa hapag ay galing sa ibang bansa. Kinakailangan pang gumastos sa pag-import para makakain ng galunggong.

Ang problema sa galunggong ay dinala ni Marcos sa pagbisita sa Indonesia kung saan humingi siya ng tulong dahil ang fisheries sector sa nasabing bansa ay matatag. Ibig sabihin, mas marunong ang mga Indonesian kung paano pararamihin ang huli nilang isda at hindi na kailangang mag-import.

Walang dapat kumilos sa nangyayaring ito na kakapusan ng galunggong kundi ang mga pinuno ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR). Sila ang may kargo ng problemang ito. Kailangan pa bang ihingi ng tulong sa Indonesia ang problema sa galunggong gayung kaya naman itong solusyunan ng BFAR. Pare-parehas lang naman na ang Pilipinas at Indonesia ay napapaligiran ng dagat.

Ang hirap kasi sa BFAR ay nasanay na laging nag-iimport kaysa magparami ng huling galunggong. Itinanim sa isipan nila ni dating Agriculture secretary William Dar na mag-import ng galunggong. Kaunting kibot, pag-aangkat ang nakikitang solusyon. Bago bumaba sa puwesto si Dar noong Hunyo ay ipinag-utos umano nito ang importasyon ng 60,000 metriko tonelada ng galunggong na sinuportahan naman ng BFAR na nagsabing kukulangin ang supply ng galunggong sa unang tatlong buwan ng 2022. Ayon sa BFAR, nasa 119,000 metriko tonelada ng galunggong ang kakulangan.

Nahirati ang dating pamunuan ng DA sa pag-iimport hindi lamang ng galunggong kundi pati mga gulay gaya ng carrots. Nitong huli, pati asukal at asin ay ini-import na rin. Wala nang sariling ani na nakikita sa hapag ng mga Pinoy kundi pawang imported. Nakakahiya.

Sa importasyon ng galunggong, dapat BFAR ang mamroblema at hindi ang presidente. Nararapat kumilos ang BFAR at hindi pawang pag-iimport ng galunggong ang kanilang iniisip. Panahon na para sila magtrabaho.

BFAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with