GUMAGAMIT na ng body worn cameras o alternative recording device ang kapulisan sa kampanya nila laban sa kriminalidad at terorista para maiwasan ang reklamong human rights at iba pa. Kaya sa mga nahuhuling wanted persons at miyembro ng CPP/NPA, swak na kayo sa kulungan at mababawasan na ang inyong depensa.
Kaya ang mga bataan ni Western Visayas police director Brig. Gen. Leo “Paco” Francisco ay may suot na body cameras at armado ng recording device nang arestuhin sina Rhosinnie Kim Uniana, at Lito Barte, ang No. 1 at No. 6 most wanted persons sa Regional level noong Martes. Si Uniana ay nakaharap ng kasong rape samantalang si Barte ay sa droga. Mukhang natuto na ang kapulisan dala ng “Bloody Sunday” case kung saan ang mga pulis na sangkot sa raid ay nabaliktad.
Dahil sa iskandalo ng “Bloody Sunday” sa Southern Luzon, ni-require ng PNP ang mga pulis na magsuot ng body worn cameras at gumamit ng alternative recording device gaya ng celfone o camera para hindi masayang ang operations nila. Kaya hindi na nagpumiglas si Uniana,18, nang damputin sa bahay nila sa Bgy. Apdo, Hamtic, Antique.
Ayon kay Francisco, si Uniana ay inaresto sa bisa ng arrest warrant na inilabas ni Judge Jojo Cruz Cruzat ng Branch 11 ng 6th Judicial Region sa San Jose, Antique. Inakusahan siyang nang-rape ng minor sa Bgy. Apdo noong Abril 2021 at nagtago ng halos isang taon bago nasakote, ani Francisco. Si Barte naman ay nasakote sa Bgy. 8, San Jose Antique dahil sa arrest warrant na inisyu rin ni Judge Cruzat sa kasong droga. No bail ang inirekomenda laban kay Barte. Dahil kilalang drug pusher si Barte sa kanilang lugar, minabuti ni Francisco na gumamit ng body worn cameras, ang kanyang tropa para hindi makareklamo ang suspect.
Si Barte at asawang si Mary Jane ay inaresto sa kasong droga sa Purok San Juan, Bgy. 8, San Jose noong Enero 20, 2018. Hak hak hak! Maraming pitsa ang kinita ni Barte sa droga subalit hindi rin niya mapapakinabangan dahil tatagal siya sa kulungan. Kaya sa mga kosa ko, iwas-iwas muna sa krimen. Dahil tiyak ko, may kalalagyan kayo sa kapulisan. Dipugaaaaa! Abangan!