^

PSN Opinyon

EDITORYAL - POGO: Ugat ng krimen at corruption

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - POGO: Ugat ng krimen at corruption

Mula nang mag-operate ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa noong 2016, marami nang krimen ang nangyari—kidnapping, pagpatay, at pati corruption. Noong una, malaki ang perang isinasampa ng POGO sa kaban ng bansa pero ngayon, waley na. Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, noong 2017, nag-aakyat ng P20 bilyon ang POGO pero ngayon, wala pang P3 bilyon ang sumasampa.

At hindi lamang krimen ang hatid ng POGO, naging gatasan ng mga corrupt sa Bureau of Immigration ang mga Chinese na empleyado ng POGO. Lahat nang mga papasok na Chinese ay kinikikilan ng mga corrupt sa BI sa pamamagitan ng ‘‘pastillas scheme’’. Nasibak naman ang mga sangkot na BI officials pero marami pa rin ang gumagawa ng katiwalian sa tanggapan.

Laganap ang kidnapan sa bansa na ang target ay mga empleyado ng POGO. Ang mga nangingidnap­ ay kapwa rin Chinese na may kasabwat na mga Pilipino. Karaniwang ang mga kinikidnap ay mga Chinese na lulong sa sugal.

Kahapon, nahuli ang apat na Chinese makaraang kidnapin ang kanilang kapwa Chinese at ipinatutubos ng P2 milyon. Nangyari ang kidnapping sa Pasay. Nahuli naman ang mga kasabwat na Pinoy.

Ang mga insidente ng kidnapping ay lumalala at maski ang pinuno ng Philippine Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. (PCCCII) ay nanga­ngamba sa paglubha ng krimen. Ayon sa presidente ng PCCCII, sa loob ng 10 araw, 56 kidnapping incidents na ang naganap at ang mga biktima ay Pilipino at Chinese nationals.

Ayon naman sa PNP Anti-kidnapping group, nasa 27 kidnapping incidents mula Enero hanggang Setyembre ng kasalukuyang taon at karamihan sa mga biktima ay empleyado ng POGO.

Hindi maganda ang hatid ng POGO sa bansa, hindi na nga nagbibigay ng karampatang buwis, pina­lulubha pa ang krimen. Dumayo pa rito ang mga Chinese para magsabog ng kanilang kasamaan.

Walang ibang dapat gawin kundi ihinto na ang POGO. Kumilos na ang Senado para ganap nang ibasura ang POGO. Huwag hayaang lumala pa ang mga kidnapan at patayan. Marami nang problema sa bansa at hindi na dapat dagdagan pa ng mga pasaway na empleyado ng POGO.

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with