^

PSN Opinyon

Babala: Namayat kahit hindi nagdiyeta

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Okey lang na pumayat kung nag-diyeta ka. Pero kung pumayat ng hindi naman nag-diyeta, mag-ingat na.

Maraming dahilan para bumaba ang timbang. Kung mayroon kang problema sa trabaho o pamilya, maaari kang mabawasan ng timbang.

Ang dalawa pang kondisyon na maaaring maging sanhi ng pagbaba ng timbang ay diabetes at hyperthyroid. Kung ang isang tao ay hindi kayang kontrolin ang diabetes­, ang labis na asukal ay hindi ina-absorb ng katawan at luma­labas ito sa ihi.

Ang hyperthyroidism ay nagiging sanhi ng mabilis na metabolismo, kaya nagiging sanhi ng pagbaba ng timbang. Ang parehong mga kondisyon ay maaaring magamot.

Gayunman, kung ang isang tao ay nawalan ng 10 pounds nang hindi nag-diyeta, ito ay isang mahalagang senyales. Kahit na ang tao ay hindi nagrereklamo ng anumang sakit, dapat na suriin ang pasyente dahil sa posibleng kanser o ibang sakit.

Maraming kanser ang walang sintomas. Halimbawa, ang mga kanser sa tiyan, colon, atay at baga ay karani­wang hindi nagpapakita ng senyales. Kaya naman, kung nabawasan ka ng timbang, Magpatingin sa iyong doktor at gagawan ng lab test. Huwag mag-alala. Kung sumunod ka sa isang healthy lifestyle ang mga test ay magiging normal lang.

DIET

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with