^

PSN Opinyon

Good news sa CARP beneficiaries

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Isa sa mga pahayag ni President Bongbong Marcos sa kanyang kauna-unahang SONA ay ang pagtigil sa pagba­bayad ng amortization ng mga magsasaka sa mga lupaing­ ipinamahagi sa kanila sa ilalim ng Comprehensive Agrarian­ Reform Program (CARP). Hindi ito masyadong nabigyan ng pansin dahil marahil, inakalang ito’y isa na namang political statement.

Ngunit kamakalawa, sa pagdiriwang ni Marcos ng kan­­yang ika-65 na kaarawan, lumagda siya ng isang executive order na nagpapatupad ng isang-taong moratorium sa pag­babayad ng amortization sa mga lupain ng mga farmer-beneficiaries. Malaking kaluwagan ito sa mga magsasaka lalo pa’t mataas ang halaga ng abono at iba pa na kinakaila­ngan sa pagtatanim ng palay.

Sana ay mangahulugan din ito ng pagbaba sa presyo ng palay at bigas at ang makikinabang sa dulo ay ang taum­bayan. Bagaman at isang taon lang ang moratorium, ito ay preparasyon sa pagpapatibay ng Lehislatura ng isang pinal na batas para sa ganap na kondonasyon o hindi na pagbabayad ng mga magsasaka ng kanilang pag­kakautang.

Natutuwa naman ako at mukhang pinaninindigan ng pre­sidente ang pagtayo niya bilang concurrent secretary ng Department of Agriculture na sa simula pa lang ng kanyang termino ay pinaka-problematic na departamento sa kanyang gabinete.

Ito’y sadyang paninindigan niya, lalo pa’t nakapagbitiw siya ng pangakong gagawin niyang P20 ang kilo ng bigas na ngayo’y tinutuligsa ng kanyang mga detractors dahil hindi pa niya maipatupad. Unang hakbang pa lang iyan ng presidente at wika nga, bigyan natin siya ng benefit of the doubt sa halip na patutsadahan.

Hindi madaling lutasin ang mga problemang pambansa at siguro, ang pinakamainam na suportang maibibigay natin­ sa administrasyon ay kaunting pagtitiwala at tiya­gang mag­hintay sa resulta ng mga pinasimulang programa ng pamahalaan.

CARP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with