^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Dolomite Beach,sadsaran ng basura

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Dolomite Beach,sadsaran ng basura

Ang Dolomite Beach ay kasama sa Manila Bay beautification project ng nakaraang Duterte admi­nistration. Ang project ay ginastusan ng P389 mil­yon. Ang puting buhangin na itinambak sa beach ay galing pa sa Cebu. Minina ang mga puting bato at saka giniling at dinala ng barge sa Manila Bay. Bawal ang pag­mimina ng bato sapagkat nasisira ang kapaligiran pero walang nakapigil at hinakot ang puting buha­ngin para pagandahin umano ang Manila Bay.

Noong nakaraang taon binuksan sa publiko ang Dolomite­ Beach sa kabila na may pandemya. Mara­ming nag-picture-picture. Dinagsa at pinagkaguluhan ng mga tao na nasabik makaraang makulong sa lockdown. Hanggang sa isara muli dahil maraming lumalabag sa health protocols. Ang iba ay walang face mask at dikit-dikit ang mga tao na para bang walang nanalasang virus.

Ngayon ay isinara na muli ang Dolomite Beach hindi dahil sa pagkakalipunpunan ito ng mga tao kundi dahil sa tambak ng mga inanod na basura. Hindi pu­wedeng pasyalan dahil sa rami ng basura. Nang manalasa ang Bagyong Florita at Henry, toneladang basurang plastic ang inanod sa dalampasigan. Ang maputing buhangin ng Dolomite Beach ay halos nangitim na dahil sa mga basura.

Mga basura na gaya ng single-use plastic, sachet ng shampoo, 3-in-1 coffee, cup ng noodles, plastic bottle ng softdrinks at iba pa. Ang mga basura ay iniluwa ng mga ilog, sapa at estero sa Manila Bay. Gina­wang basurahan ang karagatan ng mga walang disi­p­linang mamamayan.

Pinagtutulungang linisin ng mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at Depart­ment of Environment and Natural Resources (DENR) ang baybayin ng Dolomite Beach. Tumutulong din sa paglilinis ang mga empleyado ng Manila Department of Public Service at volunteers.

Nakadidismaya lang na pagkaraang gastusan­ ng milyon ang Dolomite Beach, magiging sadsaran­ lang pala ng basurang plastic. Hindi rin mapakina­bangan dahil kailangang linisin para gawing pas­yalan­. Magkaroon sana ng kampanya ang DENR at MMDA na maghigpit sa pagtatapon ng basura para hindi maging bagsakan ang ginastusang beach.

Para hindi masayang ang ginastos sa beach, baka puwedeng taniman ng mga bakawan (mangrove) ang baybayin para harangin ang mga basura. Pag-aralan ito ng DENR at MMDA.

MANILA BAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with